XXXVI. ASH
Buong byahe ay tahimik lang kami sa kotse. Wala ni isang nagsalita. Parang nagpapakiramdaman ang bawat isa sa amin kung sino ang unang magsasalita. Kung sino ang mag-oopen ng topic. Pero dahil na din siguro na mukhang bad trip kami. No. Hindi lang mukha. Bad trip talaga. Eh wala ng nagkusang magsalita sa amin. Sadyang nanahimik na lang.
Sino ba naman kasi ang hindi maba-bad trip kung nalaman mo na ngang may traydor sa inyo. Tapos siya pa din ang pinapanigan.
Hindi mo alam kung saan ka maba-badtrip at masasaktan eh. Kung dahil ba sa hindi ka pinapaniwalaan. O kaya naman yong mismong traydor ay iyong taong mahal mo.
Tumingin ako sa rear view mirror ng kotse at nakita ko si Criza na naka-cross arms habang walang emosyon ang mukha niyang nakatingin sa labas.
Pareho kami ng nararamdaman ngayon. Galit, sakit, at pagka-dismaya. Pero alam kong mas nasasaktan siya knowing na si Henry ay kabilang nga sa Scorpions. Lalo pa ngayon na bago palang naging sila. Nakakalungkot isipin na ganoon ang nangyari sa kanila.
Bakit naman kasi sumali pa sila Henry diba? Anong rason nila para sumali sa gang? Tapos konektado pa sa Aces habang konektado din sila sa Executioners?
So ngayon, ano na ba talagang nangyayari sa amin? Magulo na nga ang nangyayari sa amin ngayon, pinapagulo pa lalo ni Kuya Travis.
Huminto kami sa isang hindi kalayuan doon sa malaking bahay. Hindi na nga yata matatawag na bahay yon eh, mansyon na talaga.
"Is this here?", Tanong ni Raiza sa tabi ko. Ako kasi ang nag-drive nitong kotse ni Raiza at siya naman itong nasa tabi ko. Yong walo naman ay nasa likuran naming dalawa. Tumango naman ako agad sabay balik patay ng engine nitong kotse at nag-stay muna ng ilang mga sandali.
Ako kasi ang nag-drive sa kotse ni Raiza kasi nga diba ako lang ang nakapunta dito noong nakaraang sabado kaya ako na ang nag-drive.
"Yeah." Sabay buntong-hininga ko at napatingin ako sa harapan namin.
"Hindi ba tayo bababa?", Rinig kong tanong ni Daniella.
"Hindi na muna. Maghintay lang tayo ng ilang sandali bago pasukin ang bahay." Sagot ko.
At bumalik ulit sa pagiging tahimik ang atmostphere dito sa loob. Wala na ulit nagsalita.
Tiningnan ko naman muli sila isa-isa sa rear view mirror at lahat sila ay hindi ko maintindihan kung anong reaksyon ang pinapakita. May malungkot, may galit, may poker face, may gustong umiyak. Hindi ko na alam. Gets ko sila sa part na iyan. Dahil kagaya ko, trinaydor din sila.
This is the first time that it happen. Itong parang nag-away-away na kami lahat. Itong hindi ko alam kung kakampi talaga namin sila o hindi na. Kung kakampi pa ba namin sila o hindi na.
Ngayon naman ay dahil sa pagka-badtrip ko sa kanilang lahat ay ayaw ko ng pakinggan kung ano pa ang sasabihin nila. Para saan pa? Walang magbabago. Nagsinungaling pa din sila. Nan-traydor pa din sila.
Maya-maya ay napatingin sila sa akin dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko naman ito sa bulsa ko at nakita kong si Stanley ang tumatawag.
"Tss." Nasabi ko na lang sabay pinatay ang cellphone ko at sabay lagay sa tabi ko.
"Si Adrian?", Tanong naman ni Raiza. Kunot-noo ko naman siyang tiningnan at natawa siya bigla.
"And why would he call me?", Kunot-noo kong tanong.
"For a goodbye?", Tanong niya sabay tingin sa akin. Nagkatinginan kami... At bigla na lang tumawa.
Nakakatawa talaga. Bakit naman kasi tatawag sa akin si Adrian? Kung maggo-goodbye lang din siya. Huwag niya na muna akong kausapin dahil baka hindi ko lang siya ma-tantiya. Baka masaktan ko siya ng wala sa oras eh. Psh.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Novela JuvenilPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024