L. ADRIAN
Quarter to 10 na pero nandito pa rin kami sa labas ng room ni Ysabel. I mean sa ER. Hindi pa kasi tapos iyong operasyon ni Ysabel. Ewan ko ba at ang tagal-tagal kung matapos. Pero siguro dahil sa sobrang daming sugat ni Ysabel kaya matagal matapos iyong pangga-gamot sa kaniya.
Pero kahit any minute by now ay magte-10 na ng gabi ay hindi ako nakakaramdam ng antok. Well lahat naman kami na nandito mgayon ay hindi nakakaramdam ng antok. Talagang hini-hintay namin si Ysabel na magising.
Hindi rin kami nakakaramdam ng gutom kahit lumagpas na kami ng oras ng dinner. At kahit pa makaramdam ako ng gutom at kumalam itong sikmura ko ay wala akong pakialam. Ayokong umalis dito sa ospital. Ayokong umalis sa tabi niya. Gusto kong paggising niya ay ako ang una niyang makita. As what she said, as what I said. And as what I promised.
Maya-maya ay lumabas na ang Doktor na nag-asikaso kay Ysabel kaya sabay-sabay kaming tumayo.
"Sino ho ang kapamilya ng pasyente?", bungad niyang tanong sa amin at sabay-sabay kaming lumapit sa Doktor.
Napansin ko pang nagulat ang Doktor sa sobrang dami naming lumapit sa kaniya bilang kapamilya ni Ysabel. Bakit ba eh ang dami naming kapamilya ni Ysabel eh. Marami kaming nagmamahal kay Ysabel.
"Okay na ho ang pasyente. All she needs is rest. Hintayin niyo na lang ho siyang magising. She needs rest afterall. Excuse me." Tumango kaming lahat sa Doktor saka siya umalis.
Naka-hinga naman kami ng maluwag nang marinig naming okay na si Ysabel. Tila ba nabunotan kaming lahat ng tinik sa aming lalamunan na pahinga na lang ang kailangan ni Ysabel ngayon. Mabuti nga at pahinga na lang ang kailangan ni Ysabel at hindi na ibang bagay. Tulad na lang ng dugo dahil medyo maraming dugo ang nasa sahig kanina nang makita namin siya. Pero sadyang mabilis lang kami at naabutan pa namin si Ysabel na kaunti pa lang ang dugo sa sahig. Mabuti nga rin na walang traffic sa highway kanina kaya mabilis naming nadala si Ysabel dito sa ospital.
"Okay na si Ysabel, Adrian. You don't have to worry anymore." Rinig kong sambit ni Kuya Travis kaya dahan-dahan akong ngumiti.
Thank God and Ysabel is okay.
"Guys." Tawag ni Kuya Travis sa aming lahat kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "Since we already heard what the Doctor said that Ysabel is okay. Kaya siguro puwede na kayong umuwi. I know that you're busy at may mga kailangan pa kayong gawin kinabukasan. Kaya puwede na kayong umuwi. Thank you for being here. Thank you for doing this to Ysabel." Ngiting sabi ni Kuya Travis.
"Kailangan niyo rin ng pahinga. And maybe bukas, bibisitahin nagin ulit si Ysabel dito."
"Wala 'yon Kuya Travis. Just like what you said, hindi natin kailangan mag-away dito dahil tayo-tayo lang ang magka-kampi rito. And I'm sorry for yelling at you earlier." Sabi ni Criza kaya ngumiti si Kuya Travis.
"Wala 'yon Criza. All we have to do now is to make a plan about this." At tumango-tango si Criza tapos sa akin naman siya humarap.
"And Adrian... Sorry about what I said earlier. I'm sorry for yelling at you too. I know you have reasons. And I think si Ysabel muna ang dapat makarinig niyon." Sabi naman ni Criza sa akin.
"And you know what, Ysabel wants to talk to you about your connection at Murderous Aces. Dahil kahit siya ay nalilito na rin. But this shit happens, that's why Ysabel owe you an explanation." Sambit naman ni Raiza.
"Yeah. I'll explain it to her. I'll tell her everything when she wakes up." At tumango siya sabay ngiti.
"That's good to hear Adrian. Welcome to the family." At natawa ako sa sinabing iyon ni Raiza. Itinaas pa ni Raiza ang dalawa niyang kamay na parang gusto niya akong yakapin. Natatawa akong lumapit sa kaniya saka siya niyakap pabalik. "Welcome to the gang." Dagdag niya habang hini-himas niya ang likod ko.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024