That Same Old Scorpions

0 0 0
                                    

XXXV. ASH



"Let's go." Sabi ko sabay tayo dito sa dulo ng kama ko at ayos ng baril na hawak-hawak ko. At kaagad na nilagay sa likod ng pantalon ko.

Kaagad naman silang tumayo dahil sa sinabi ko. Nandito kasi sila sa bahay dahil tinawag ko sila kanina lang. Sinabi ko kasi sa kanila na pumunta sila dito dahil ngayon na namin pupuntahan ang malaking bahay kung saan pumasok ang limang lalaki at kung bakit nandoon si Adrian.

Gusto ko kasing malaman kung bakit siya nandoon. At anong ginagawa niya doon. And lastly, gusto kong malaman kung sino ang may-ari ng bahay na iyon.

Pero hindi ko maiwasang hindi isipin na kila Aries ang malaking bahay na iyon. Hindi ko naman kasi iyon napuntahan noon. Kaya hindi ko alam.

Hindi pa din kami nag-uusap ni Kuya Travis. Kagabi kasi diba iyong nagkita kami sa kusina. Gusto niya pa akong kausapin pero dahil galit ako, sa kuwarto na lang ako kumain ng dinner.

Gusto niya siguro akong kausapin para ipaliwanag kung ano ang plano niya. Ang plano niyang kumampi kay Adrian. Ang plano nilang magtiwala sa traydor. Pero wala na akong dapat pakinggan pa mula sa kanila at sa kaniya. Sapat na sa akin na traydor si Adrian.

Ang ipinagtataka ko lang ay bakit na lang ganoon kung magtiwala si Kuya Travis kay Adrian?

He even shouted at me the last time na nagka-usap kami ni Adrian sa likod ng university. Nagalit siya sa akin dahil sa ginawa kong pagtutok ng baril kay Adrian no'n. Hindi niya ba alam na tina-traydor kami ni Adrian?

Mas pina-paniwalaan pa ni Kuya ang Adrian na iyon kaysa sa akin na kapatid niya. Bullshit.

Pero okay lang. Wala naman na akong pakialam. Bahala silang lahat dahil nagtiwala sila kay Adrian.

All I have to do is to watch them disappointed because Adrian betrayed them. Binalaan ko na kasi sila, hindi pa nakinig.

Kung ano man ang plano ni Kuya Travis, bahala na siya. Matanda na siya, para pakialaman ko pa.

Pagtapos nila ay sabay-sabay kaming bumaba ng hagdan. At habang bumaba kami sa hagdan ay nakita kong nasa harapan namin sila Kuya Travis. Kunot-noong nakatingin sa akin si Kuya Travis tila ba nagtataka kung saan kami pupunta  dahil sa mga nakabihis kami. Puwes, wala na siyang pakialam doon dahil hindi ko naman siya pinakialaman na magtiwala doon sa Adrian na iyon.

Kahit na mahal na mahal ko si Adrian ay mas nangingibabaw sa akin iyong galit na nararamdaman ko sa kaniya dahil sa pagta-traydor niya.

Ayoko lang kasing maulit iyong nangyari 2 years ago with Samuel.

Hindi ako tanga para maulit ang bagay na iyon.

Nang makababa ako sa hagdan ay napatigil ako habang nakatingin sa kanilang lahat na nakatingin sa akin. Sila Raiza naman ay naka-cross arms din habang bored na nakatingin sa harap namin which is sila Kuya Travis.

Inilibot ko ang paningin sa kanilang lahat. At natawa akong ibinalik ang tingin ko kay Kuya Travis. Kahit maga pa itong mata ko, nagawa ko pang mang-asar. Angas ko naman n'on haha.

"Kompleto yata kayo ngayon?", tanong ko sabay cross arms ko. Nandito kasi ang buong Wild Executioners na gang ni Kuya. Isama mo na din iyong leader ng Dark Wolf at Snake Blade na sila Stanley at Levi. I understand if may gang meeting ang mga ito, pero bakit kasama si Adrian? Tapos sila Caleb, Henry, Ethan at William, anong meron? Don't tell me gangster na sila?

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now