That Same Old Allies

0 0 0
                                    

XLVIII. ADRIAN



"...Those are the allies of Murderous Aces." Seryosong sabi ko sa kanila. At isa-isa ko silang tiningnan. Most of the gangs ay hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung sino ang mga leader niyon. Sadyang binanggit ko lang ang mga gangs na nabanggit ni Olivia kanina nang tanungin ko siya. At talagang wala akong alam sa mga gang na iyon. Kaya bahala na sila tumukoy kung sino ang mga iyon, alam na nila iyon.

Samu't-saring reaksyon ang nakita ko sa mga mukha nila. May nagulat, may napaisip. But one thing is for sure. They are all mad. They are very mad. Galit sila sa mga gangs na kasapi ng Murderous Aces. At alam kong galit na galit sila Murderous Aces. Well all of them are mad at that gang.

Earlier, I asked Samuel for the truth. Kung siya ba ang may gawa niyon kay Ysabel. But he said no. Gusto kong maniwala sa kaniya. Pero hindi rin mawala sa isip ko na baka nagsi-sinungaling lang siya. At hindi nagsa-sabi ng totoo. Sino ba kasing gumawa n'on na nagsabi ng kagaguhan niya diba? Wala.

Pero tama rin naman si Samuel. Mahal niya si Ysabel at hindi niya raw kayang gawan ng masama. But who knows, right? Like what Kuya Travis said, never trust anyone in the gang world. Kaya hindi ko siya pagkakatiwalaan kahit na anong mangyari.

"Poison breaker?", gulat na tanong ni Levi kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "Eh diba grupo ni Cedric 'yon?", dagdag niyang tanong. At nakita kong napasinghap si Kuya Travis sa sinabi ni Levi. Si Stanley naman ay biglang natawa. Hanep din ang isang ito eh 'no? Nasa seryoso kaming pag-uusap ngayon. Seryosong bagay ang pinag-uusapan namin ngayon. Tapos siya itong tumawa bigla? At saang parte ng pag-uusap dito ang nakakatawa para matawa siya? Ewan ko ba sa kaniya at bakit siya ganiyan. Mahahalata mo kay Kuya Travis na galit na galit siya. Tapos itong pinsan niyang si Stanley ay natawa? Totoo bang kapamilya nila si Stanley?

"Mukhang siya ang tinutukoy ng Aces na gustong magpa-bagsak sa'yo ah?", tanong ni Stanley at dahilan ng pagtawa ni Kuya Travis.

"At sa tingin mo papayag ako?", tanong naman ni Kuya Travis kaya nagtawanan sila.

Ako naman ay napabuntong-hininga na lang dahil hindi ko naman kakilala iyong Cedric na tinutukoy nila. At ayoko na ring isipin na sa lahat ng binanggit kong grupo ay Poison Breaker lang ang pinag-uusapan nila.

Ano bang meron sa Poison Breaker na iyon? At anong mayroon sa Cedric na iyon? May espesyal ba sa taong iyon?

"Oh Adrian, hindi ka nakikitawa diyan?", tanong bigla ni Levi kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Hah?", gulat kong tanong. Dina-damay pa ako nito ni Levi. Nanahimik ako dito eh.

"You already know that guy." Sambit naman ni Stanley kaya kumunot ang noo ko. "He's the guy that talks to you while we were at the underground." At natahimik ako at tila ba inaalala ang tinutukoy ni Stanley na lalaki sa underground.

"Iyon si Cedric?", taka kong tanong nang maalala ko ang lalaking nakausap namin ni Stanley at Levi sa underground. Si Stanley ang nagpakilala sa amin sa Cedric na iyon bilang bagong grupo. Nakita ko pa na masayang nag-uusap noon. Pero isa rin palang traydor si Cedric. Na hindi totoong kaibigan namin siya, kundi isang kaaway.

"That guy? I thought you guys are friends?", taka kong tanong.

"Don't forget that in gang world, everyone will betray you." Seryosong sabi ni Kuya Travis.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now