That Same Old Celebration

0 0 0
                                    

XXVI. ASH

Welcome to my house
Baby take control now

Rinig ko ang isang party song na pin-lay ni Caleb sa dalawang malaking speaker nila.

Nandito kami sa bahay nila dahil birthday niya ngayon. Mabuti nga at tumama ng sabado ang date ng birthday niya. Dahil kung hindi, tiyak matutulog na lang kami sa kaniya-kaniya naming bahay. Sa kadahilanang nag-puyat kaming lahat. As in kaming lahat sa pagre-review dahil Prelims namin. Actually Prelims namin kahapon at nakaraos naman kami. Grade conscious kasi ako. Ayokong makaka-kuha ng o makakita ng dos o tres sa grades ko. Kaya kahit prelims pa lang ay ayusin ko na. Sinabihan ko pa si Adrian na mag-review siya dahil kapag mababa ang score niya sa exam ay hindi ko siya kakausapin. Mabuti naman at nakinig siya. Alam ko din naman na mahirap ang course na kinu-kuha niya kaya todo review. Well lahat naman ng course mahirap.

We can even slow down
We don't have to go out

Kaya mabuti na lang talaga ngayon ang birthday celebration ni Caleb dahil parang celebration ito na naraos namin ang Prelims. Hindi pa namin alam ang scores, maybe next week, malalaman na namin. And lastly, birthday na ni Caleb. 18th birthday ni Caleb to be exact. Tumanda na naman siya ng isang taon. Matanda na siya.

Napatingin ako kila Adrian na masayang inaayos ang mesa upang lagyan ng mga pagkain na niluto namin kanina.

Nagluto lang naman kami ng kaunti pero kasya sa aming invited. Yong iba kasi sa foods dito ay binili na namin para mag-kasya sa aming mga kaibigan niya. Yong basketball team, sila Criza at Stanley, yong Clara wala dito, kasi may family outing daw. Mabuti na iyon para wala din si Olivia.

Sayang lang at wala ang parents niya. Which is yong Mommy at Ate niya, nasa Bicol daw kasi ang mga ito dahil namatay daw ang Lola ni Caleb. Actually namatay iyong Lola ni Caleb before pa mag-start ang Prelims. Hindi ko nga alam kung papaanoong nakapag-focus pa si Caleb sa exams niya kahapon. Pero susunod daw siya doon kinabusakan.

Samantalang ang Daddy naman niya ay wala nang pakialam sa kanila. Hiwalay na daw kasi ang parents nito, at may iba nang pamilya. Nakaka-lungkot lang ang pangyayaring iyon. Pero dahil malakas si Caleb, hindi niya na pinakita na nalungkot siya doon, matagal naman na daw kasing nangyari iyon, kaya dapat mag-move on na. Hindi ko alam kung talagang move on na siya o malungkot pa din ba o may sama pa din ng loob sa Daddy niya.

"Ysabel, ikaw na." Napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Si Stanley na nasa harap ko. Nasa gilid ko naman si Kuya Travis. "Ikaw na." Dagdag niya pa. Naglalaro kasi kami ng Tong-its dito sa living area nila Caleb, dito sa coffee table. Mga nakaupo kami doong tatlo habang naghi-hintay kaming tawagin upang kumain na.

Oh shoot ako na nga pala. Masyado nang lumayo ang isip ko.

Bumunot ako doon sa gitnang baraha at nakita kong 6 na spade iyon. Kaya ibinaba ko iyon. After naman niyon ay si Stanley na ang bumunot. Nasa kaniya ang last bunot.

Welcome to my house
Play the music too loud
We don't have to go out

Ilan kaya ang baraha nila? Sino kayang mananalo sa amin?

2 si Kuya Travis, 9 si Stanley at ako ay 10.

Amp natalo pa nga. Natalo na naman ako? Pangalawang beses na iyon ah. Pero okay lang iyon. Tatlong beses naman natalo si Kuya Travis at Stanley kaya it's okay.

Dahil ako ang natalo, ibig sabihin ako magba-balasa ng mga baraha.

Habang nagba-balasa ako ng mga baraha ay napatingin ako kay Kuya Travis.

Napangiti na lang ako nang makita kong medyo okay na si Kuya Travis. Hindi na siya mukhang malungkot after what happened month ago.

Isa-isa kong binigay ang mga baraha sa kanila.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now