That Same Old Argument

0 0 0
                                    

XXXIII. ASH



Nang makarating ako sa floor nila Stanley ay dire-diretso akong naglakad sa hallway. Huminto din naman ako sa pinto ng room nilang nakasara. Dito kasi sa university namin ay may mga aircon. At sayang daw kasi ang lamig ng mga iyon kung nakabukas ang pinto. Dalawa pa naman ang pinto ng bawat room dito. Isa sa harap at isa sa likod.

Wala na akong sinayang na minuto na tumanga pa dito sa labas at harap ng pinto ng room nila Stanley kaya kumatok na ako. Dire-diretsong katok hanggang sa magbukas ang pintuan nila. Binuksan iyon ng Prof nila. Ngumiti naman ang Professor nila dahil kilala niya ako, minor subject namin siya noong second year.

"Yes miss?", Tanong niya sa akin.

"Sorry to interfere your discussion. But can I excuse Mr. Stanley Enriquez?", Tanong ko habang nakatingin sa Prof na nasa harapan ko.

"Oh Mr. Enriquez." Tumango siya kasabay niyon ay tumingin siya sa klase niya. "Mr. Enriquez, tawag ka ni Ms. Ysabel." At saka naglakad patungong desk ang Prof nila. Napatingin naman ako kay Stanley na bored na bored na tumayo, binitbit ang bag sabay lakad.

Inilibot ko naman ang paningin ko hoping na makita ko si Adrian. At ayon siya, nakatingin ng diretso sa akin. Kaagad ko namang iniwas ang tingin ko at ibinalik sa mukhang antok na antok na naglalakad na si Stanley. Mukha lang tuloy siyang lantang-gulay katulad ko noong first day of school.

Sino nga bang mag-aakala na dito na siya nag-aaral? Nag-emote kasi siya noong umalis bigla si Lacey nang walang paalam. Ayaw niya na ngang mag-aral eh, napilit lang siya ni Tita Ryza. Kaya nag-aral siya ng Business Ad sa ibang school para malimutan niya si Lacey, at kasama na kami. Madami kasing alaala sa amin si Lacey, at gusto niya lang kalimutan iyon kaya umiwas siya sa amin. Hindi ko naman din siya masisisi dahil masakit nga naman talaga iyon.

Pero kahit ganoon ang ginawa niya. Alam kong hindi niya pa talaga nakalimutan si Lacey. Hindi mo magagawang kalimutan agad ang isang tao kapag sobrang mahal mo kahit pa dumaan ang ilang taon.

Well I guess Stanley proves it right. Nawala ba naman ng almost 3 years si Lacey at ngayong bumalik na siya, alam kong magiging masaya na si Stanley. Kahit naman kasi pina-pakita niyang masaya siya sa amin. May bahid pa din ng kalungkutan ang nararamdaman niya.

Pero ewan ko ba kay Stanley ngayon ag bakit lantang-gulay kung maglakad.

But I wonder, kahit ba ilang taon na ang lumipas si Adrian pa din kaya ang mahal ko? Si Adrian pa din kaya ang ititibok ng utak ko? Siyempre, puso yon. Si Adrian pa din kaya ang makakasama ko habang-buhay para buwesitin ang araw ko?

"Sir-", narinig kong nagsalita si Stanley sa gilid ng Prof nila.

"You can go Stanley." Ngiting sabi ng Prof at yumuko na lang si Stanley at saka lumabas na kami ng room.

"Mukha kang lantang-gulay maglakad." Puna ko kay Stanley. Ang bagal-bagal kasi maglakad. Mas mabagal pa sa pagong eh.

"Tss." Narinig ko na lang sa kaniya kaya napahinto ako sa paglalakad sabay cross arms. Tapos ewan ko ba sa taong 'to. Wala sa sarili. Nagtuloy lang siya sa paglalakad. Hindi niya napansin na wala na ako sa tabi niya.

At anong problema ng pinsan kong yon?

Malapit na siya sa hagdan nang lumingon siya sa kaliwa at kanan niya pero wala ako doon. Napansin niya yata na wala na ako sa tabi niya. Lutang ba naman eh.

Tumingin naman siya sa likod niya at nakita niya akong naka-cross arms habang nakatayo. Naka-poker face naman niya akong tiningnan. Nagtitigan kami sa hallway for a few minutes. Tila ba nagsukatan kami ng tingin kung sino ang maggi-give up at iiwas ng tingin. Tipong nagpapataasan kami ng pride ngayon.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now