That Same Old Pain

0 0 0
                                    

X. ASH



Nagising ako sa isang kuwartong tahimik at malamig.

Inikot ko ang mata ko at napag-alaman kong nasa loob ako ng clinic. Kaya pala malamig dito sa loob.

Ano bang nangyari at nandito ako?

Nasa basketball court kami kanina. Naga-away kasi sila Criza at Adrian. Pinigilan ko sila. Lalo na si Criza na malapit nang sabihin kung ano ko si Stanley. Mabuti na lang at nandoon na ako sa harapan nila nang maisipan ni Criza ang bagay na iyon. Pinigilan ko si Criza na sabihin ang totoo kay Adrian. Mas makaka-buti kung hindi alam ni Adrian ang totoo. Mas makaka-buti iyon para hindi siya konektado sa amin. Mas makaka-buting wala siyang alam sa amin. Lalo na sa akin. Sa ganoong paraan ay hindi niya alam kung ano talaga kami. Kung anong klaseng tao talaga ako. Sa ganoong paraan alam kong mapo-protektahan ko na si Adrian nang hindi niya nalalaman. At sa ganoong paraan alam kong hindi na madadamay sa amin si Adrian pa.

Pero on the other side, masaya ako. Oo totoo. Totoong masaya ako ako para kay Adrian. Dahil nakahanap na siya ng bago. Ng magiging kapalit ko sa puwesto biglang girlfriend niya. Doon pa lang sa parteng iyon, alam kong pina-paboran ako ng tadhana. Lalo pa at alam kong galit na siya sa akin. Galit na siya sa amin. Kaya alam kong lalayo na siya sa amin at sa akin. Kaya magpapa-salamat ako kay Criza sa ginawa niya kanina. Dahil sa ginawa niyang iyon sa aming dalawa, that's when the time that I have to cut our connection. I have to cut my connections to Adrian and anyone that's related to Adrian. In that case I can surely move forward. And he can truly move on after what happened to us.

And speaking of Adrian, where is he now? I should be thanking him for what he did. Dahil sa pag-hatid niya dito sa akin sa clinic, sa kabila ng galit niya. Magpapa-salamat lang ako kay Adrian, and after that iyon na ang huli naming pag-uusap.

"Adrian?", Tanong ko sabay bangon dito sa kama. At nakita ko si Adrian na gulat na gulat na nakatingin sa akin na nasa may paanan ko.

Bakit siya nagulat?

Bumaba ako sa kama at dahan-dahang lumapit kay Adrian nang biglang may mag-salita sa likod ko.

"Hey Ysabel, are you okay?", At kunot-noong humarap ako doon sa tumawag ng pangalan ko.

"Stanley? What are you doing here? Aren't you at your class?", Tanong ko pero nagkibit-balikat lang siya. Humarap naman ako at lumapit kay Adrian na until ay gulat na gulat pa din.

"Adrian. Thank you... And you know what I mean." Ngiting sabi ko sa kaniya at dahan-dahan siyang ngumiti sa akin. "And sorry for causing you trouble earlier... I can assure you that it won't happen again." At hinawakan ko ang kanang pisngi niya. Alam ko kasing huling pagkakataon ko na ito na malapitan at mahawakan siya. "I'm telling you to go now... Forget mo all you want. Kamuhian mo 'ko ng sobra. Magalit ka sa'kin... Tama lang 'to sa'kin after what I did to you... Dahil sa pang-loloko ko sa'yo." At saka ko unti-unting binitawan ang pag-himas sa pisngi ni Adrian. At iyong nakangiti kong mukha na nakatingin sa kaniya ay pinalitan ko ng poker face ko.

"Ysabel-"

"Starting from now, iiwasan mo na ako. Lalayuan mo na ako... Hindi mo na ako lalapitan. Kahit kailan." Putol ko sa sasabihin niya awhile ago. Baka kasi kapag narinig ko pa ang mga sasabihin niya ay lunukin ko lang yong mga sinabi ko sa kaniya. "At sa tuwing magkikita tayo, umakto kang hindi mo 'ko kilala... Huwag mo na akong isipin, huwag ka ng mag-alala sa akin... Huwag mo na akong mahalin..." And nakita ko ang lungkot sa mga mata niya niya pero umiwas na ako ng tingin sa kaniya.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now