XLIV. ADRIAN
"I'll go Stanley. Huwag kang gagawa ng katangahan." Rinig naming sabi ng Dean kay Stanley. Napakamot na lang naman si Stanley ng batok niya. Lumapit naman ang Dean kay Stanley at ginulo ang buhok nito.
"Dad." Kunwaring naiinis namang sagot ni Stanley.
"Don't be such a crybaby Stanley. Mukha kang bakla." At nakita naming lahat na tila ba totoong nainis na siya sa pang-aasar ng Dean sa kaniya. Or should I say na Daddy pala niya iyon.
I never thought na Daddy niya pala itong lalaking nasa harapan namin ngayon. Kung kanina ay galit na galit siya sa amin ngayon naman ay inaasar niya pa ang anak niyang si Stanley.
Kapag nakita mo ang Daddy ni Stanley ay parang hindi mo makikitaan ng kahit anong katandaan. Halimbawa na lang kung nasa 40's or 50's na siya ngayon ay hindi mo mahahalata iyon sa kaniya. What you'll see ay parang kasing-edaran lang namin.
Iyong tindig, pananamit at katawan ay parang nasa late 20's lang. Malalaman mo talagang nagwo-work out siya. And maybe until now ay nagwo-work out pa kahit pa Dean na siya nitong university.
Narinig ko namang biglang natawa si Ysabel kaya napatingin ako sa kaniya. Pero nang makita ako ni Ysabel na nakatingin ako sa kaniya ay napalitan ang tawa niya ng isang galit na mukha. Ang sama ng mga tingin niya. Nagpa-patunay na galit talaga siya sa akin. Kanina nga ay kung hindi lang pumagitnabsi Levi at malamang masakit na itong katawan ko ngayon dahil sa bugbog na natamo ko mula kay Ysabel.
Nasuntok niya ako kanina at masasabi kong malakas iyon. Tsh. Hindi ko tuloy alam kung babae ba talaga siya o nagba-balat-kayo lang siyang babae at lalaki talaga siya.
Psh. Where that come from? Ang pangit naman pakinggan kung lalaki ang mahal ko diba?
I understand her. Kahit sino naman ay magagalit kapag nakita mong gawan ng masama ang mahal mo sa buhay.
What was the lesson I learn? Don't you ever annoy a gangster. Dahil hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin. Just like what Ysabel did. Noong kami pa kasi ay halos hindi siya makabasag-pinggan. Eh ngayon? Hindi ko maisip na sobra-sobra pala talaga siyang magalit. Galit na galit siya. Tipong wala siyang pakialam kung sino ang nasasaktan niya.
Kailan pa kaya siya nagsimula maging gangster?
Sobrang sama ng tingin niya sa akin. Pero tila ba hindi ako natatakot sa matalim niyang tingin.
Deep inside ay natutuwa nga ako dahil nasa akin na ang atensyon niya ngayon. Nasa akin na ulit nakatingin ang mga mata niya. Masasamang tingin nga lang. Pero okay na yon diba? At least nakatingin sa akin si Ysabel.
Kaya kahit ang sama ng mga tingin niya sa akin ngayon ay hindi ako umiwas ng tingin sa kaniya. Nagtitigan kaming dalawa ng ilang segundo hanggang sa napasinghap siya at inikot ang mga mata niya.
And the next thing she did? Nag-tungo siya sa pinto ng Dean's Office at binuksan niya ito. At saka siya lumabas. Sumunod naman sa kaniya si Raiza.
"Kung makikipag-away kayo, huwag dito sa university. Goodbye boys. May pagkain diyan sa fridge." Sambit ulit ng Dean sa amin bago siya umalis dito sa office.
Nakahinga naman ng maluwag si Stanley at pumunta sa isang silid.
Inilibot ko naman ang paningin ko dito sa loob ng office at ang luwag dito sa loob. I've never been to Dean's Office or Principal's Office kaya hindi ko alam kung anong itsura nito. Masyado kasi akong good boy noong elementary at high school kaya hindi ako nakakapasok sa ganitong office.
At dahil sa ganito pala kaganda sa loob ay ang sarap tuloy tumambay dito sa loob.
"Take a sit." Sambit ni Kuya Travis kaya naulo kaming lahat sa malaking couch. Nandito kami sa loob ng isa pang room na nandito lang din sa loob ng ofice.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024