LXI. ASH
"Oh Ysabel, bakit ikaw lang nandito sa kuwarto?", napatingin naman ako sa babaeng pumasok dito sa kuwarto at nakita ko si Lacey na nagpa-paypay gamit ang karton dahil pawis na pawis siya. Sinundo niya kasi si Tita Teresa at King sa palengke dahil magha-hapunan na.
At nakaka-panibago nga dahil 6 PM pa lang dito sa probinsya tapos hapunan na. Pero ganito raw talaga sa probinsya, maaga nagha-hapunan upang makatulog ng maaga. Para magising ng maaga para mangisda. Mas marami raw kasi ang huli kapag maaga. So kaya ba maraming nahuli kasi mga madaling araw pa at mga tulog pa ang mga isda? O sadyang kakagising lang ng mga isda kaya wala pa sila sa wisyo. Puwede rin ba silang tawaging mga lantang gulay kahit mga isda?
Back to reality, naiwan ako rito sa bahay dahil nagluto ako ng dinner. Huwag kayo, medyo marunong na ako sa pagluluto. Hindi tipong magaling pero nakakain pa rin naman siya. Tapos naglinis na rin ng kaunti dito sa bahay. Nakakahiya naman kasi kay Tito at Tuta na dito kami nagi-stay tapos hindi kami tumutulong sa gawaing bahay diba?
It's been weeks mula nang makarating kami sa lugar na ito. Actually dalawang linggo na kami na narito. Pagtapos ng nangyari na paninilip sa akin sa CR ay naging tahimik na kami. I mean wala ng ganoong nangyari o gulo sa amin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Adrian at Stanley sa mga iyon. Pero I guess they deserve kung ano man ang ginawa ni Stanley at Adrian sa tatlong lalaki na iyon.
Sa sobrang tahimik nga rito ay gusto ko na lang tumira rito. Pero alam kong hindi puwede iyon dahil kailangan naming bumalik sa Maynila upang ayusin ang gulo na inumpisahan ng Aces.
Babalik? At kailan kami babalik sa Maynila?
Kahapon ay nagpunta kami sa Bayan upang mamili ng stocks. Stocks sa kusina at kung ano-ano pa. Sa Bayan raw kasi ang mall. At first ay akala ko walang mall dahil probinsya nga ito. Pero ayon nga, nagkamali ako. But it's a good thing though para hindi na hassle mamili sa malayong lugar.
Tapos alam niyo bang bumili ng sobrang daming chocolates si Stanley? At ayon, ayaw niya akong bigyan. Parang hindi nakikain ng chocolates na dala ni Daddy eh. Akala mo hindi kapamilya eh. Pero hayaan niyo, hindi naman ako matitiis ng pinsan kong iyon at sa huli ay bibigyan niya pa rin ako. At kung hindi man talaga niya ako bibigyan ng chocolates, edi kukuha na lang ako doon sa freezer. Hanep nga rito kila Tita and Tito eh, kompleto sa appliances, mabuti na lang at hindi ninanakaw.
At alam niyo ba, may washing machine pala rito. Ayon tawang-tawa tuloy si Stanley sa akin na ang daming sugat sa kamay. Eh kung ihampas ko kaya sa kaniya 'yong washing machine?
Nagkausap din pala kami ni Stanley about doon sa anak niya. I mean sinabi niya sa akin na nag-usap na sila ni Lacey at okay na raw sila. Na umalis na lang daw bigla si Lacey nang hindi namin alam lahat dahil buntis daw ito at umuwi dito sa probinsya nila. Dahil ang akala raw kasi ni Lacey ay hindi tanggap ni Stanley na magkaka-anak na sila. But it turns out na tanggap pala ni Stanley ang anak nila. Hindi lang daw talaga pala ready si Stanley sa bagay na iyon pero ano nga bang magagawa nila kung 2 years old na si King?
Napag-alaman ko rin na alam na pala ni Tito James and Tita Ryza ang bagay na ito kaya pala chill na chill na itong si Stanley.
Namili rin kami para sa sugat ko sa tagiliran. Pinapalitan ko kasi ito ng bandage after ko maligo o mag-half bath. Ito 'yong binaril ng Ara na 'yon. Nagtataka nga ako kung bakit ang bilis niyang makatayo eh dalawang tuhod ang binaril ko diba? You know that. Siguro may lahi talaga siyang demonyo. Hindi lang siya. Kundi silang lahat.
Natutuwa rin ako kay Adrian dahil sa tuwing pupunta ako sa CR at sinasamahan na ako ni Adrian. Not to the point na sumasama siya hanggang sa loob ng CR ah. Kundi nasa labas lang siya, hinihintay ako. Ayaw niya na ring maulit iyong nangyari sa akin noong bago pa lang kami rito. Ayaw ko na rin na mangyari iyon sa akin at sa ibang babae dahil nakaka-trauma siya sa part ng babae. Promise.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024