That Same Old Happenings

0 0 0
                                    

XXXIX. ASH


Ilang minuto pagkatapos ng pangyayaring iyon ay dahan-dahan silang nagsibangon. Bumangon din naman kaagad ako dahil ang sakit ng sugat ko. Dahil na din ay hawak-hawak ako ni Kuya Travis kaya humarap ako sa kaniya.

"Bitawan mo nga ako!", sabi ko kay Kuya Travis na may halong inis. Binitawan naman niya ako kaagad.

Inilibot ko naman ang paningin ko dito sa loob ng kusina. At nakita ko ang mga sira-sirang mga gamit at appliances na nandito sa loob.

Lalong kumunot ang noo ko dahil doon. Mabuti na lang at wala dito si Mommy sa Pilipinas, mabuti na lang at nasa US pa siya. Dahil kung nandito lang iyon, ay talagang kagagalitan kami ni Kuya Travis. Dahil sa mga nasirang appliances na pinakama-mahal ni Mommy. O kaya naman ay siya iyong susugod sa mga namaril dito sa bahay.

Kapag kasi nagagalit si Mommy ay talagang nakakatakot. Akala mo eh ipapatapin ka na sa North Korea.

Mas nakakatakot pa si Mommy kaysa sa mga kaaway namin sa underground. Kahit nga si Daddy ay natatakot kay Mommy eh.

"Are you okay Ysabel?", tanong ni Kuya Travis.

"Hindi ba obvious?", may inis pa din sa tono ko.

Maya-maya ay lumapit sa akin si Henry. At ang mukha niya, tila ba galit na galit siya sa akin. At ano naman ang ginawa ko?

"Nakita mo na ang ginawa mo Ysabel?! Dahil sa pagpunta mo doon sa bahay na 'yon, nasundan ka! And look what you've done!"

At tila ba nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niyang iyon sa akin.

Anong karapatan niya na pag-salitaan niya ako ng ganiyan? Anong karapatan niya para sisihin ako? At bakit ako sinisi niya sa pangyayaring ito?

Bakit niya ako sinisi sa pangyayaring naulit na?

Bakit niya ako sinisi sa pangyayaring ito knowing na ang grupo nila ang may gawa?

Sasagot na sana ako nang may marinig kaming galit na boses mula sa likuran ni Henry.

"Don't talk to her like that Henry!", rinig naming lahat na sabi niya.

"Criza..." At napatingin kaming lahat kila Criza, sa mga ka-grupo ko na patungo sa akin.

"Hindi mo kilala si Ash, Henry. Kaya wala kang karapatan na pagsalitaan siya ng ganiyanganiyan!", galit namang sabi ni Raiza.

"Bakit niyo ba siya pinagta-tanggol? Siya ang may kasalanan kung bakit may mga saksak kayo. Siya din ang dahilan kung bakit nangyayari ito!"

"Stop it Henry. Halatang bago ka pa lang talaga sa bagay na ito." Sabi naman ni Criza.

"In this kind of life, you have to understand that gangsters is full of this shit." Rinig naming sabi ni Daniella.

"In this gangster life, there is always a gang war. There's full of blood. And you can't do anything about it. But to survive..." Ngiting sabi naman ni Kyline.

"At bakit nga pala ako ang sinisi mo dahil nangyai ito? Hindi ba dapat ang grupo niyo ang dapat sisihin?", tanong ko.

"Tama si Ysabel. Grupo niyo ang namaril sa bahay ni Caleb kaya hindi malabong grupo niyo din ang namaril dito sa bahay." Dagdag naman ni Nel.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now