That Same Old Answers

0 0 0
                                    

XL. ADRIAN



Ilang minuto ang lumipas mula ng umalis sa kusina si Ysabel. Sumunod ding umalis ang mga kaibigan niya. Sumunod kasi yata kay Ysabel o nagpunta na sa kani-kanilang kuwarto para magpahinga. May mga saksak kasi sila. Kaya alam kong masasakit iyon, idagdag mo pa na pagod ang mga iyon.

Hindi ko nga maisip na sasali sila sa ganitong mundo. Ang pagiging mga gangsters. Dahil ang babaeng nakakausap ko ay parang kahit magasgasan lang ang balat ay akala mo katapusan na ng mundo nila sa kakaiyak o kaka-aray nila. Pero sila Ysabel, may saksak pa ay parang wala lang sa kanila. Ayon nga kanina, mga galit pa sa amin. At kaunti na lang ay makikipag-away na naman sila.

Kahit na alam namin kung sino ang may gawa niyon kila Ysabel ay dapat kaming maka-sigurado upang umayon ang lahat sa plano. Sa plano namin nila Kuya Travis.

Hindi kasi sumagot si Ysabel kanina no'ng nagtanong si Kuya Travis kung sino ang may gawa ng mga iyon sa kanila.

Sa sobrang tigas ba naman kasi ng ulo ni Ysabel ay malabong sumagot iyon ng maayos. Lalo pa at galit iyon sa amin. Lalo na sa akin. Dahil sa naiisip niga na tina-traydor ko siya. Na tina-traydor namin siya.

Pero ang totoo naman ay hindi namin ginawa iyon. Hindi ko ginawa sa kaniya yon.

Hindi ko magagawang traydorin siya kahit kailan. Hinding-hindi ko magagawa ang bagay na iyon dahil mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya na handa kong gawin ang lahat para sa kaniya. Handa akong gawin ang lahat para protektahan siya. Kahit pa ibig sabihin niyon ay magalit siya sa akin ng sobra-sobra. Kahit pa isipin niya na tina-traydor ko siya.

"Bakit mo 'to ginagawa sa'kin Adrian? All I did was to love you. And you did was to betray me..."

Ysabel's voice echoed on my mind again. At nasasaktan ako dahil sa nakikit at naririnig ko mula sa kaniya.

Kung makikinig lang sana siya sa amin. Kung makikinig lang siya sa akin ay ipapaliwanag ko ang lahat sa kaniya. Para maintindihan niya kung bakit ko ginawa ang mga iyon.

Pero kahit naman na galit siya sa akin nothing will change the fact na mahal na mahal ko siya.

Nabubulag lang ngayon ng galit si Ysabel kaya ganoon ang trato niya sa amin. Pero okay lang sa akin dahil itong ginagawa ko ay para sa kaniya.

To protect her from them. Especially from him.

Kapag talaga natapos itong away na ito ay kakausapin ko si Ysabel. At kahit pa galit na galit pa din siya sa akin, kukulitin ko siya hanggang sa pakinggan niya ang side ko. Hihingi na rin tawad.

But enough of that now. I want to help Kuya Travis to finish this shit dahil medyo konektado ito kay Ysabel. Dahil mapapahamak si Ysabel bago pa man magsimula ang gang war.

And gang war is already in the corner na kailangan naming paghandaan.

I love Ysabel so much that I want to protect her. Kahit na galit na galit siya sa akin sa mga oras na ito dahil sa pag-aakala niyang tina-traydor ko siya. Mahal ko pa din siya. Kahit na kinamumuhian niya ako ay siya pa din ang babaeng tini-tibok ng puso ko.

Ayoko siyang nakikitang nahihirapan, nasasaktan at nalulungkot nang dahil sa akin. Pero anong magagawa ko? Ayaw niyang makinig sa akin.

Ang dapat ko na lang gawin ngayon ay bantayan siya. Protektahan siya ng palihim.

Pero hindi ko siya na-protektahan ngayon.

Umuwi na lang ang ka-grupo niya na may mga saksak na. Umuwi siyang may saksak na.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now