That Same Old Hideout

0 0 0
                                    

LIII. ADRIAN


"Ang tagal mo naman asikasuhin 'yon." Natawa naman ako sa binungad sa akin ni Stanley pagkababa ko ng kotse ko.

Nag-fist pump kaming dalawa at natatawa siyang humarap sa akin. Mukha ba akong clown para tawanan niya?

"Problema mo?", tska kong tanong sa kaniya dahil hindi naman ako mukhang clown pero natatawa siyang nakatingin sa akin.

"Hindi mo pa nakita mukha mo sa salamin 'no?", natatawa pa rin siya.

Kumunot na naman itong noo sa sinagot niya sa akin. Humarap naman ako sa side mirror ng kotse ko at hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sarili ko.

Diba nga ay hinalikan ako ni Olivia kanina sa tapat ng bahay nila? Aba't ang tanga ko naman dahil hindi ko natingnan ang labi ko at pisnging hinalikan ni Olivia kanina. May lipstick ba naman sa labi ko at pisngi dahil sa lipstick sa labi ni Olivia.

Bakit ba kasi hindi ko man lang tiningnan ang guwapo kong mukha kanina? Nahihirapan tuloy si Stanley pigilan ang tawa niya ngayon sa harapan ko. Nagmukha tuloy akong clown sa harap niya.

Dali-dali kong binura iyon dahil hindi ako natutuwa dito. Lalo pa at hindi ito galing kay Ysabel. Aba! Kung galing lang ito kay Ysabel hinding-hindi ko na ito buburahin pa. Pero dahil hindi galing ito kay Ysabel, siyempre buburahin ko na.

Isang nakakadiring pangyayari iyong kanina.

"Huwag ka na magpigil ng tawa diyan." Sabi ko at napahawak na lang ako sa batok ko dahil binuhos na talaga ni Stanley ang tawa niya.

Grabe! Totoong kaibigan talaga ang isang ito. Hindi man lang siya nag-dalawang isip na huwag tumawa. Hindi man lang din siya tumangging tumawa. Talagang pinakita niya na natatawa siya sa akin. Talagang pinakita niya na katawa-tawa ako sa mga oras na ito.

"Ito na titigil na." Natatawa pa ring sabi ni Stanley. "Mukha ka kasing nakipag-lips to lips sa aso." At tumawa na naman siya lalo.

Nauna na kasi si Caleb sa hideout nila Kuya Travis. Kaya alam kong nasabi na ni Caleb ang nangyari kanina. Kaya siguro tumawag na sa akin si Stanley na pinamamadali na akong magpunta sa hideout. Kaya siguro pinamadali ako ni Stanley para pagtawanan lang dito.

Ito namang hideout nila ay medyo malayo sa underground. Not totally malayo, siguro mga 2 kilometers ang layo mula sa underground.

Pero sige tumawa lang siya hangga't gusto niya.

Alam mo Adrian, kung nandito lang si Ysabel hindi lang siya ang masasaktan. Pati ikaw." At natawa ako sa sinabi niya. "Pero mas LT talaga si Olivia. Sinundan ka ba naman. Malakas na tama n'on sa'yo." Kaya nagtawanan na naman kaming dalawa ni Stanley habang pumapasok sa hideout nila Kuya Travis.

Actually bahay ito. Medyo kalakihang bahay ito. Pero kaunti lang ang gamit kaya hindi mo matutukoy kung ano ba talaga ang nakatira. Alikabok ba o tao. Puwede rin namang hayop. Ang gulo-gulo kasi dito sa loob.

"Kaninong bahay 'to?", tanong ko dahil sino pa bang tao ang titira sa ganitong bahay na sira-sira at gulo-gulo na. Na tipong kaunting hangin na lang ay masisita na ang bahay na ito. Hindi man lang ito nagawang ipaayos ng kung sino mang may-ari nitong bahay.

"Kay Levi." Sagot ni Stanley kaya taka ko siyang tiningnan.

"Sa kaniya? Hindi man lang niya pinaayos 'to?"

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now