That Same Old Girlfriend

0 0 0
                                    

XIII. ADRIAN



Gabi na nang matapos kami doon sa arcade ay napag-pasyahan nila William at Henry na mag-tungo sa bar. Dahil weekend naman na bukas ay pumayag na rin ako. Wala namang tao doon sa bahay kundi ako lang. Nasa US si Mommy kasama iyong lalaki niya, samantalang umuwi na rin si Daddy sa probinsya.

They divorced months ago, nahuli raw kasi ni Daddy si Mommy na may lalaki. Mommy even insisted at the divorce paper. Dahil sa galit ni Daddy ay pinirmahan niya agad iyon. And after that they parted ways. Without asking kung okay lang ba sa akin ang naging desisyon nila.

Mommy is in the US while si Dad ay nasa probinsya. May malaking lupa daw kasi doon na inaasikaso niya. Buma-balik naman dito si Dad para sa company namin dito sa Manila na ayon, iniwan din ni Mommy.

At ako? Ako lang mag-isa sa bahay. Tahimik pero sanay na ako. Sa buhay dapat masanay nang mag-isa. Dahil at the end of the day, sarili mo lang ang kakampi.

Tina-tanong ko nga minsan sa sarili ko eh. Na mas mahalaga pa ba iyong lalaking iyon para iwanan kami ni Daddy? Mas pinili niyang iwan kami para magkasama sila no'ng lalaking iyon.

Tulad ngayon, mag-isa na ulit ako. Iniwan na ako ng pinaka-mamahal kong babae. Iniwan na ako ni Ysabel.

Nag-park kami sa tapat ng bar at saka bumaba. Napa-buntong-hininga ako dahil ito yong pinuntahan kong bar right after ko makipag-break kay Ysabel.

At dito...

Dito ko din nakilala si Olivia na kasama ko ngayon.

Nagka-kilala kami dahil pareho kami ng sitwasyon. Na nakipag-break din iyong boyfriend niya dahil may bago na raw ito.

Natawa pa nga ako doon. Dahil para bang pinag-tagpo talaga kaming dalawa dahil pareho kaming broken.

Nasa bar lang kami noon nang maisip niyang gumawa ng deal.

Deal na sabay naming kalimutan ang nakaraan. Deal na kapag nakapag-move on kami sa mga ex namin ay bibigyan naming chance ang isa't-isa. At dahil medyo lasing na ako noon ay umo-o lang ako. Bakit naman hindi diba?

Naisip ko kasing dapat may kapalit agad si Ysabel sa buhay ko. At nang bumalik naman ako sa katinuan ay napagtanto kong mali dahil bukod sa magiging rebound siya, na-realize ko din na pag-tapos ni Ysabel ay wala na akong gana na makipag-relasyon sa iba.

Hanggang ngayon kasi o baka pati sa mga susunod, sinabi ko sa sarili ko na kung hindi rin lang si Ysabel, huwag na lang.

Magba-back out na sana ako sa deal na iyon pero ito namang si Olivia eh salita ng saliya nang kung ano-ano. Hindi ko na nga maintindihan eh. Isa pa, laging nakakapit sa braso ko. Akala mo tarsier eh.

Hindi niya ba naisip na lasing lang ako no'ng mag-usap kami?

Si Ysabel nga eh, sobrang kabaliktaran ni Olivia. Kung maingay si Olivia, tahimik naman si Ysabel.

Haays. Nami-miss ko tuloy siya ngayon. Pero dahil nasa bar kami ngayon, iinom na lang para makalimutan ko ng panandalian si Ysabel.

"So, me and my friends played truth or dare. And I choose dare... And that dare, I will play a song." At narinig kong natawa iyong nag-salita dito sa bar.

"So this song is for the person that I... Really... Really love... And yet... I choose to betray him. Just... Just to protect him..." At isa-isang nag-palakpakan ang mga tao.

After ko mag-order ng pagkain, ako kasi ang  pinag-order nila dahil alam ko naman na raw kung ano ang nasa menu. Kaya after n'on ay napatingin ako sa mini-stage doon sa harap nitong bar. Dahil iyong boses na narinig ko mula doon ay sobrang pamilyar sa akin.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now