XLV. ASH
Nakita ko pang nagtawanan sila Kuya Travis dahil sa panti-trip ni Tito James kay Stanley. Natawa rin naman ako dahil napapakamot na lang si Stanley. Para siyang nahihiya na nandito kami dahil pinagti-tripan siya ng Daddy niya. Kung sa amin ay siya lagi ang nanti-trip, sa kanila naman ay ang Daddy niya.
Binabawi ko na iyong sinabi ko na ampon si Stanley. Halatang-halata naman na may pinagmanahan din si Stanley. Hindi ko na lang alam kay Tita Ryza kung paano niya naha-handle ang kakulitan ng pamilya niya. Kaya siguro nasa US pa siya. Ayaw niya pa sigurong bumalik dahil nakukulitan siya sa asawa at anak niya. Akala mo eh mga batang nag-aasaran eh.
Habang tumatawa ako ay napansin kong nakatingin sa akin si Adrian. Kaya tumingin ako sa direksyon kung nasaan siya to make sure na tama ako o sadyang naga-assume lang ako.
But I was right. He is looking at me. And what was he looking at me? Why is he looking at me?
Wala akong makitang kahit anong emosyon sa mukha niya. Kahit iyong lungkot ng mga mata niya na palagi kong nakikita ay hindi ko makita mula sa kaniya. Wala rin akong idea kung ano ang tumatakbo sa utak niya ngayon. Kung may iniisip man siya ay wala akong pakialam.
Nang makita niyang natawa ako ay agad na tinanggal ko iyon at pinalitan ng sama ng tingin. Sobrang sama ng tingin na nakatingin sa kaniya.
Hindi porket nandito sa tabi namin si Kuya Travis ay okay na kami. Psh. Gusto ko pa rin siyang gantihan. I want him to feel my anger.
Si Kuya Travis. Psh. That guy. Hindi ko alam kung buhay ba siya o sadyang kaluluwa na lang at nakabukas ang third eye naming lahat kaya nakikita namin siya ngayon.
I saw him. With my two eyes. Adrian shot him with a fucking silencer. At hindi agad-agad nagiging okay ang kalagayan ng katawan kapag nabaril. Pero itong si Kuya Travis ay parang walang barilan na nangyari.
What the hell just happened to him?
Sa bahay ko na lang siya kakausapin mamaya. Nakaka-uwi naman siguro ng bahay kahit multo na 'no? Puwede ko rin siguro masapak si Kuya Travis mamaya kahit tatlong beses lang. Deserve naman niya iyon.
Lumabas na lang ako ng Dean's Office at nakita kong sumunod sa akin si Raiza.
"What happened back there?", tanong ni Raiza.
"Kahit ako, hindi ko alam." Sabi ko sabay cross arms.
"Maybe they have a plan." At napatingin ako kay Raiza.
"Like what?", tanong ko naman.
Kung iyong plano nila ay ang barilin si Kuya Travis. Para saan at bakit ayon pa ang naisip nilang gawin?
Sa lahat ng puwede kasi nilang gawin, bakit iyong pag-baril pa ang naisip nilang gawin.
Kinabahan ako doon ah. Ano na lang ang sasabihin ko kay Mommy if ever na may nangyaring masama kay Kuya Travis diba?
Tiyak kong kapag nalaman ni Mommy iyon ay siya ang unang susugod doon sa malaking bahay na iyon kung nasaan sila Aries, Samuel and oh well, Olivia.
Until now ay hindi ko pa rin malaman kung anong koneksyon ni Olivia sa kanila Aries at Samuel. At alam kaya ni Adrian na konektado si Olivia sa kanila Samuel at Aries? Aba! Siyempre oo. Traydor siya eh.
He is her boyfriend now. Kaya malabong hindi niya alam ang bagay na iyon.
"I don't know. But we have to talk to them." At huminga ako ng malalim. Saka dahan-dahang tumango.
"We need to talk to them, Ash. We have to know that they're traitors, especially for you. But we have to talk to them. They have a plan and we should cooperate." At saka bumalik ang tingin ko sa kaniya.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Ficção AdolescentePumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024