Epilogue

2 0 0
                                    

ASH




"Halika na, hanapin na natin si Mommy." Sabi ko kay Adrian pagkatapos niyang inumin ang orange juice niya.

"Bakit?", takang tanong ni Adrian.

Bakit ba siya nagtatanong? Masama na bang hanapin si Mommy ngayon? Masama na bang hanapin si Mommy para ipakilala ko ang katabi ko na nakapikit na ngayon dahil busog?

"May sasabihin lang ako kay Mommy." Sagot ko. Sasagot pa sana siya pero hindi niya na nasabi dahil hinila ko na siya patayo.

"Hey Stanley, alam mo ba kung nasaan si Mommy?", tanong ko kay Stanley na kumakain na ng carbonara.

"Nasa labas 'yon ng resort eh. Kasama si Tito David." Kumunot ang noo ko ko dahil sa sagot ni Stanley.

"Tito David? Magkakilala sila?", kunot-noong tanong ko sabay tingin pabalik kay Adrian na nakatingin na sa akin.

Magkakilala sila Tito David at Mommy? Kailan pa? Bakit hindi ko alam? Kung magkakilala sila, baka sinabi na ni Tito David ang relasyon namin ni Adrian. Sayang. Gusto ko pa naman sanang makita ang reaksyon ni Mommy. Pero ngayong alam na ni Mommy ang relasyon namin ni Adrian. Siguro ay matutuwa na lang siya. Or maybe magalit? Pero teka, bakit magagalit si Mommy kay Adrian? Okay naman si Adrian ah? Hindi naman siya mukhang adik. Abnormal nga lang.

"Let's go." Sabi ko saka hila palayo kay Adrian.

"Lakas mo." Sabay kamot ni Adrian sa ulo niya kaya natawa ako.

"Siyempre, Black Rose yata 'to." At nagtawanan kami habang naglalakad palabas ng resort. Sa kakatawa naming dalawa ni Adrian ay may nabangga akong isang malaki at mabangong dibdib. Kung hindi ko lang nakita na dibdib iyon ng isang lalaki, aakalain kong isa iyong pader. Astig naman n'on, may pader dito sa resort.

"I'm sorry." Sahi ko sabay yulo. Inangat ko naman ang ulo ko upang makita ang mukha niya dahil naaamoy ko ang panlalaki niyang pabango. Mabango siya kaya dapat guwapo siya.

At para bang napahinto ako sa aking paghinga nang makita ko ang mukha n'ong lalaki. Bilugang mata, matangos na ilong, at may pagka-rosas na labi. Wala siyang suot pang-itaas kaya nakikitabko ang matipuno niyang dibdib at ang kaniyang 6 pack abs. Summer shorts lang ang suot niya.

Bumalik ang tingin ko sa mukha n'ong lalaki dahil baka isipin niya ay tiningnan ko ang abs niya. Kaya bumalik na naman ako sa pagiging starstruck dahil ang guwapo niya. Sobrang guwapo niya. Sa sobrang starstruck ko nga ay kung hindi pa tinapik ni Adrian ang kanang balikat ko ay hindi ko pa malalaman na kinakausap kami. Or more like ako ang kausap niya.

"You're Sabrina's daughter?", tanging tango lang ang naisagot ko dahil until now ay parang na-starstruck pa rin ako. Katulad ng sa anime ay para bang may dalawang puso sa dalawang mata ko.

Teka. Bakit ko naiisip ang mga iyon? Nababaliw na ba ako? Dalawang puso? Nasisiraan na ba ako ng ulo? Hindi na ako ito eh. Tss.

"Y-yes?", nauutal ko pang sagot. Shit. Nakakahiya.

"That's good. You look like her." At ngumiti ako bilang sagot. Maganda naman talaga si Mommy 'no. No question about that. "Pero ikaw ang happier version ng Mommy mo, palagi kasing nakasimangot 'yon." At nawala ang ngiti ko dahil tumawa si Adrian na akala mo nang-aasar. At para lalo akong maasar ay natatawa siyang tumigin sa akin. Pang-aasar 'yon diba?

"Ah Tito, minsan po beast mode din si Ysabel." At nagtawanan silang dalawa. Kanina si Adrian lang, ngayon naman pati itong lalaki na. At teka, Tito? Ibig sabihin mas matanda ito kaysa sa amin? At saka sino ito? Kilala niya si Adrian, kilala niya rin si Mommy.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now