XLIII. ADRIAN
Habang ginagawa ko ang ilan sa mga activities namin ay biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na pinansin kung sino amg caller. Sadyang kinuha ko lang ang cellphone ko upang sagutin dahil na-aalibadbaran ako sa tunog. Ang ingay eh.
"Hello." Sabi ko sabay lapit ng cellphone ko sa aking tenga habang ina-analyze ang mga sagot ko sa isang subject dahil baka ay mali.
(Adrian...) At napatigil ako sa pagtingin sa papel ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. At sa boses niyang iyon ay nahalata kong seryoso siya sa mga oras na ito.
"Yes?", tanong ko naman.
(Are you busy tonight?)
"Not really. Why?"
(Call the Scorpions, we have to tell you something.)
"Okay." Sagot ko at kaagad niyang pinatay.
Marami pa yata siyang gagawin kaya mukha siyang nagmamadali sa tawag.
Ano raw? Ano naman ang sasabihin niya sa amin? Ano ang sasabihin niya para tawagan ko ang lahat ng Scorpions? Importante ba ang sasabihin niya para tawagan ko lahat? May seryoso bang pag-uusapan? Kung meron, para saan? At tungkol saan? Dapat na ba akong kabahan sa sinabi niyang iyon?
Dahil sa pang-huli kong naisip na tanong ay nakaramdam ako ng kaunting kaba.
Paano nga kaya kung tungkol na sa mga Gangs ang pag-uusapan namin mamaya? Paano kung napagdesisyunan na nilang umpisahan na ang gang war? Tiyak kong madugo ang kalalabasan nito. Pero hindi pa ba nag-uumpisa ang gang war kung sinaksak nila ang grupo ni Ysabel?
Galit ang buong Aces sa Executioners. Samantalang ang Executioners ay mas galit dahil sa gulong nagawa noon ng mga Aces lalo na kay Kuya Travis. Isama mo pa grupo ni Ysabel na may galit din sa Aces. Kung bakit ay hindi ko alam. Hindi ko na kasi naitanong kay Kuya Travis dahil sa tuwing binabanggit niya ang kung sino man sa Aces ay galit na galit talaga siya. Tipong sobrang sama talaga at hindi na mapapatawad ang ginawa ng mga Aces sa kanilang dalawa ni Kuya Travis at Ysabel.
Lalo na iyong kay Ysabel kung bakit siya galit na galit sa Aces. Kay Samuel to be exact. Gustohin ko mang malaman kung bakit ay parang hindi ko kayang malaman dahil baka ako pa ang umunang gumanti sa mga Aces.
Pero mas gugustuhin ko na lang na dumating ang araw na magharap-harap kaming lahat at magulat na lang ang mga Aces na kakampi pala ako ng mga Wild Executioners. Na all along ang Red Scorpions ay kasapi ng Wild Executioners. They will all feel betrayed. Just like what Kuya Travis, they deserve that. Dahil noong una raw ay trinaydor ni Aries si Kuya Travis. Kung bakit siya trinaydor ni Aries, hindi ko alam.
Inilapag ko ang cellphone at saka ini-off iyon at binalik ang paningin sa mga papel na hawak-hawak ko.
Medyo kanina pa kasi sumasakit itong ulo ko dahil pakiramdam ko ay mali ang computations ko. Mula umaga ay ito na ang ginawa ko. Hinatiran na nga lang ako ni Daddy ng breakfast kanina eh. Pati na rin pala ng lunch ay hinatid niya rito sa kuwarto ko. Thanks to Daddy dahil mas pipiliin ko pang matapos ito kaysa kumain ako.
And it's also a good thing na kumain na rin ako dahil baka hindi ko pa nasisimulan ang activity kong puro computations ay sumakit na agad ang ulo ko. At imbis na gawin itong activity ay matutulog na lang ako dahil sa sakit ng ulo.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024