XVI. ASH
"Adrian?!", Gulat kong tanong dahil nandito si Adrian sa labas ng kuwarto ko. Nasa labas ng bintana ko, at nasa harap ko...
"Anong ginagawa mo-", naputol ang itatanong ko sana nang bigla niya akong niyakap.
"This is my home..." At napa-pikit na nakangiti ako nang sabihin niya iyon. "I miss my home..." Bulong niya kaya hinayaan ko ang sarili kong yakapin siya pabalik.
Pag-tapos niyon ay bumitaw siya sa yakap at humarap siya sa akin. Kaya ako naman ay dumilat. Dahil nakakahiyang makita niyang naka-pikit ako.
Baka isipin niya pa eh gusto ko itong ginawa niyang pag-yakap sa akin. Which is totoong gusto ko naman talaga. Na-miss ko kaya ang yakap na iyon. Siyempre pati siya na-miss ko din. At siyempre di ko aaminin iyon dahil nakakahiya.
Hindi pa nga maka-get over doon sa pagsabi ko ng I love you sa kaniya noong party ni Mommy eh. Tapos another kahihiyan na naman ang ipapakita ko kay Adrian?
Aba! Hindi puwede iyon ah.
"Can I come in?", Rinig kong tanong niya na ikina-gulat ko.
Bakit? Anong gagawin niya dito sa loob? Anong gagawin namin dito sa loob ng kuwarto ko?
"Don't worry. Mag-uusap lang tayo." At natawa siya sabay pasok doon sa bintana kaya naka-pasok na siya fully sa kuwarto ko.
Pero bakit siya natawa? Nakita niya ba ang gulat sa mukha ko awhile ago? Ano na lang iisipin niya? Baka isipin niya green minded ako.
Nakaka-hiya ka talaga Ysabel!
At saka isa pa, hindi pa ako umo-o na pumasok siya diba? Pero siya itong pumasok agad. Trespassing 'to ah.
Nang maka-pasok siya sa kuwarto ko ay inilibot niya ang paningin niya sa kuwarto ko. Wala namang espesyal dito sa kuwarto ko. May queen sized bed na may katabing table na bedside table kung tawagin. Tapos sa tapat naman ng kama ko ay study table kong minsanan ko lang magamit dahil sa kama ako nagre-review hanggang sa maka-tulog. Tapos sa kaliwa naman ng kama ko ay itong bintana na pinasukan ni Adrian. Tapos sa medyo kalayuan naman ay iyong closet ko, katabi naman niyon ang CR. And lastly, iyong color maroon na wallpaper background na nagpapa-kalma minsan sa akin.
Favorite ko kasi ang maroon. Sobra.
Sinarado ko ang bintana dahil malamok. At lumapit kay Adrian.
"So anong ginagawa mo dito?", Tanong kong muli. Kaya humarap siya sa akin na nakangiti at niyakap akong muli.
Adrian was right. He miss his home. And so was I. Na-miss ko siya ng sobra-sobra. Na-miss ko siyang kayakap ko. Na-miss ko siyang kausap sa mga bagay-bagay. Tulad na lang alien kapag wala na kaming topic. At lalong-lao na, na-miss ko siyang nandito sa harapan ko. Nang ganito ako kalapit sa kaniya.
Itanggi ko man ay iyon ang nararamdaman ko ngayon towards him.
Pero anong ginagawa niya dito? At this hour? In this middle of the night?
Eh diba break na kami? So bakit pa siya nandito?
Pero sa kabila ng pag-iisip ko sa mga sagot sa mga iyon ay napa-pikit na lamang ako nang dahan-dahang umangat ang dalawang kamay ko at niyayakap siya ulit pabalik. Kaya ayon, humigpit ang mga yakap niya.
"I miss you Ysabel." Bulong lang iyon pero rinig na rinig ko iyon mula sa kaniya.
Gusto kong sabihin sa kaniya na na-miss ko din siya pero tinikom ko ang bibig ko. At ninamnam na lang ang yakap dahil baka ito na ang huli.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024