That Same Old Firsts

2 0 0
                                    

WARNING: SPG! MATURED CONTENT!


LIX. ADRIAN


Nanatili lang kami sa posisyon na iyon. Magkaharapan kaming nakaupong dalawa. Walang nagsalita sa aming dalawa. Tahimik lang kaming dalawa. Naghihintayan kung sino ulit ang magsasalita. Seryosong nakatingin sa akin si Ysabel. Para bang hinihintay niya akong sumagot sa kaniya. Samantalang ako ay mahahalata sa aking mukha ang naguguluhan dahil sa sinabi niya. Naguguluhan ko siyang tiningnan at naghihintay na bawiin ang sinabi niya dahil baka nabigla siya.

Baka nasabi lang niya ang bagay na iyon dahil baka nabibigla lang siya. Na nadadala lang siya ng emosyon niya. Nadadala lang siya sa galit, lungkot, pagkamuhi at sakit. Nadala lang siya sa mga nangyari. Nadala lang siya sa nangyari ngayon.

Hindi ko dapat hayaan ang sarili ko na sundin ang hinihiling na iyon ni Ysabel. Dahil nadadala lang sa emosyon niya. Nadadala na siya dahil hindi niya ma-kontrol pa iyon. At animo'y gusto niya ng ibuhos.

At isa pa, hindi ko sasamantalahin ang kahinaan ni Ysabel. Kahit pa siya ang humiling niyon sa akin. Ayaw kong gawin iyon kay Ysabel dahil alam kong hindi pa kami handa sa mga consequences na matatamo namin pagtapos namin iyon gawin. And because I respect her. I respect Ysabel so much. I love her. I love her that I'm willing to wait for her to give her self for me in the right time. Iyong may ngiti siya sa labi habang binibigay niya ang sarili sa akin. Iyong kaming dalawa ang magde-desisyon na gawin ang bagay na iyon. Iyong hindi na namin ang iintindihin ang mga consequences pagtapos gawin ang bagay na iyon. That's all I want when it comes to Ysabel. Hindi iyong ngayon na may nangyari ng masama, magdadagdag pa ng problema.

I'm not saying na tina-tanggihan ko si Ysabel. It's just, it's not just the right time for us to do that thing kahit pa mahal na mahal namin ang isa't-isa.

Pero lumipas ang ilang minuto ay wala akong narinig na pagbawi sa mga tinuran ni Ysabel. Nanatili siyang nakatingin sa akin. Naghihintay sa susunod kong sabihin. Naghihintay sa sasabihin ko.

"Ysabel, I'm sorry. Hindi ko yata magagawa ang bagay na hinihingi mo." Lungkot kong sabi kaya nakita kong lumungkot ang mukha ni Ysabel.

Shit naman oh! Huwag kang maging malungkot Ysabel at baka hindi ako makapag-pigil. At baka magawa ko talaga ang bagay na hinihingi mo.

"You don't love me..." Mahinang sabi ni Ysabel at may tumulo na namang luha galing sa mata niya. Dali-dali ko namang hinawakan ang pisngi niya upang punasan ang bumagsak na luha.

"I love you. You know that, right? We're just too young for this kind of thing. And if we ever do this, maraming consequences, Ysabel."

"But I want you to be my first, Adrian."

"I respect you Ysabel."

"I love you Adrian. I'm sorry at hindi ko na-preserve itong katawan ko para sa'yo. But I swear. You will be my first."

"I can wait Ysabel-"

"But I want it right now. I don't care about the consequences. It's just you and me, Adrian."

"But Ysabel-" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay bigla hinawakan ni Ysabel ang dalawang pisngi ko at sinunggaban ako ng halik. Mga halik na akala ko'y hindi kayang gawin ni Ysabel. Hindi ito soft at passionate na halik. Hindi ito katulad ng paghalik ko noon kay Ysabel. Iyong ginagawa niya sa akin ngayon ay mapupusok na halik. Mapupusok na halik ang binigay ni Ysabel sa akin patunay na wala siyang pakialam sa susunod na mangyayari. Isa ring patunay na gusto niya talaga ang ginagawa ngayon.

Wala akong nagawa. Sa halip na pigilan ang mga ginagawang ito ni Ysabel ay sumasagot na ako sa halik niya. Iyong mga halik niya. Iyon ang hindi ko mapigilan kaya napapasunod niya ako. Nalulunod ako sa mga halik niyang iyon kaya sa huli ay sumasagot na ako sa mga halik niya. Sinasabayan ko ang agos niya.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now