That Same Old Girl

0 0 0
                                    

XXXI. ASH



Tulala akong naglalakad dito sa labas ng library. Patungo ako ngayong cafeteria. 12:30 pa naman ngayon at baka nandoon pa sila Criza sa cafeteria.

Bago ko pa kasi makita ang sunod-sunod na pagluha ni Adrian ay umalis na ako. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong patahanin siya at yakapin at makikinig sa kung ano man ang sasabihin niya.

Kahit nararamdaman ko ang sakit ngayon dahil sa nangyari awhile ago. Nararamdaman ko din ang galit sa sistema ko. Dalawa ang nararamdaman ko towards Adrian. Pero mas pinairal ko ang galit ko kaya ko napagpasyahang iwanan siya. Baka kasi sa susunod ay may malaman muli ako sa kaniya na alam kong mas ikakagalit at ikakadurog ko. Kaya habang maaga pa, putulin ko na ang koneksyon ko sa kaniya.

Kung kami man talaga, tadhana na ang bahala.

12:30 pa lang ngayon, still lunch time at hanggang 2 ang vacant ko. So sa 2 hours na vacant ko ay hindi ko alam kung saan ako pupunta after lunch.

At dahil sa nararamdaman ko ngayon ay gusto ko na lang umuwi at magkulong sa kuwarto ko for the rest of the day. Doon ako iiyak ng sobra-sobra.

Pagdating ko naman sa pintuan ng cafeteria ay inilibot ko ang paningin ko sa loob para hanapin sila Criza. And there...

Nasa iisang table silang siyam. Mako-kompleto sana sila kung pupunta ako doon. Pero 50/50 akong pumunta doon dahil nakikita kong masaya silang naguusap. Masaya silang nagku-kuwentohan at ayoko namang sirain sa kanila iyong pagiging masaya nila. Baka kasi kapag nakagawa na kami ng plano ay hindi na nila magawang sumaya.

"Ui Ash! Dito!", Napabalikwas ako dito sa kinatatayuan ko dahil narinig kong tinawag ang pangalan ko ni Jasmine. Nakangiti silang nakatingin sa akin at ngumiti akong tumingin sa kanila saka naglakad patungo sa puwesto nila.

Pinaupo nila ako sa gitna nila Yna at Lorie. Nandito kami sa isang pang-sampong katao na table. Mabuti at mayroon n'on dito para kasya kaming sampo. Hindi naman masikip, talagang sakto lang talaga siya sa pang-sampo katao.

Napatingin naman ako sa mesa nilang wala pang pagkain. Bakit hindi pa sila nago-order?

"Oh bakit wala pang food?", Takang tanong ko dahil ayon nga, wala pa silang pagkain.

"Hinintay ka kasi namin." At talagang hinintay nila ako ah. Paano pala kung umuwi na lang ako ng biglaan. Edi hindi sila makakakain ng lunch nang dahil sa akin?

Napatingin naman ako kay Yna dito sa tabi ko siya kasi itong nagsalita. At nawala ang ngiti niya nang makita niya ang hitsura ko.

Naku, sana naman eh hindi niya napansin ang mata ko.

"Oh what happened?", Worried na tanong ni Yna sa akin. Napatingin naman silang lahat sa akin at bumuntong-hininga lamang ako sa harap nila.

"Ito ba yong sinasabi mong gagawin mo kanina?", Tanong naman ni Raiza na ikina-tango ko.

"Teka, ano bang ginawa mo?", Tanong naman ni Daniella at kumunot ang noo nilang lahat sa akin. Bumuntong-hininga naman ulit ako bago magsalita.

"I broke up with him." Mabilis na sagot ko. Gulat silang napatingin sa akin Tapos sila namang lahat ay tila ba walang imik dahil sa sinabi ko awhile ago.

Well sino naman ang hindi magugulat sa part na mahal na mahal ko ang taong iyon tapos iniwan ko lang bigla.

"Wait what?", Tanong ni Kyline.

"At kanino ka naman nakipag-break?", Tanong naman ni Nel at kunot-noo naman kaming napatingin sa kaniya.

Seryoso ba siya sa tanong niyang yan? Mukha ba akong madaming boyfriend ngayon? Ang landi ko naman kung ganoon. At saka ang ganda ko naman sobra n'on. Well maganda naman talaga ako. Duh.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now