XLVII. ADRIAN
"Shit! Get a room guys!", sabay tawa ni Aries habang nakatingin sa aming dalawa ni Olivia.
Paano ba naman kasi ay kanina pa nakakapit sa braso ko si Olivia na akala mo tarsier eh. Tapos ay nakalagay pa ang ulo niya sa balikat ko. Mabuti nga ay hindi mabigat ang ulo niya dahil mangangawit talaga ang balikat ko. Dahil pa doon ay naaamoy ko sa kaniya ang pabango niyang amoy strawberry. It's good for my nose. But I prefer Ysabel's vanilla perfume. It's just so sweet.
Pero akala ba ni Olivia ay gusto ko ang amoy na iyon mula sa kaniya?
Tapos naaamoy ko pa sa kaniya ang amoy ng alak sa kaniya. Mukhang wala namang epekto sa kaniya ang alak dahil naka-heels pa siya kaninang lumapit sa akin. Normal pa siyang nakakalakad.
Kung wala lang dito sila Aries, Samuel at ang ibang Aces ay tinanggal ko na ang brasong naka-pulupot sa akin ni Olivia. Pero dahil nasa harapan namin sila ay dapat akong umakto na boyfriend ako ni Olivia. Umakto na mahal na mahal ko ang kapatid niya. Pero sa katunayan ay hindi talaga.
At upang hindi makahalata ang Aces sa pagpa-panggap ko ay nagkunwari akong masaya sa ginawa ni Olivia. At si Olivia, ayon tuwang-tuwa. Natutuwa ba siya sa pagpa-panggap ko?
Sa tuwing ganito ang nangyayari sa aming dalawa ni Olivia ay naiisip ko si Ysabel. Pakiramdam ko ay niloloko ko si Ysabel. Kahit na alam ko, alam niyo, alam nating nakipag-break na siya sa akin ay pakiramdam ko ay niloko ko pa rin siya. Naiisip ko pa rin na kapag nalaman niya itong ginagawa ko ay magagalit siya sa akin. Sobrang galit ang mararamdaman niya mula sa akin dahil sa mga pinag-gagawa ko.
But at the end of the day, the reality hits me that she broke up with me. That we had broken up. And she didn't care about me anymore. But I still care for her. Break man kami o hindi. I still have a care for her. At walang magbabago roon.
Katulad na lang ng pangyayari kanina. Ang nangyari kay Ysabel kanina sa labas ng university. Grabeng pag-aalala at grabeng kaba ang naramdaman ko nang makita ko siyang nakahiga sa dugo niya. I never saw something like that in my entire life. Sa TV ay napapanood ko iyon lalo na sa action movies at horror. Pero hindi ko maiisip at mapagta-tanto na makakakita ako ng ganoon sa totoong buhay. And the worst thing ay sa mahal ko pa nangyari ang bagay na iyon. Kay Ysabel pa na pinapa-ngalagaan ko. Kay Ysabel pa na pino-protektahan ko.
Iyong nangyari sa kaniya? It's all my fault. I promise to Kuya Travis that I'll protect Ysabel, but I failed. May nangyari pa ring masama kay Ysabel.
At ang buong akala ko ay si Samuel ang may gawa niyon kay Ysabel. Pero bakit wala siyang alam sa nangyari kay Ysabel? Ibig sabihin ba n'on ay hindi siya ang may pakana niyon? Hindi siya ang may gawa niyon? Kung hindi siya ay sino ang walang awang gumawa niyon kay Ysabel?
At kung hindi ang Aces ang may gawa niyon ay ibig sabihin ba n'on ay may iba pa kaming kaaway? Mga gangsters din ba ang mga iyon? Nakaka-tiyak akong mga gangsters ang may gawa niyon kay Ysabel. Dahil kung hindi mga gangsters ang may gawa niyon ay hindi aabot sa ganoong pangyayari. Hindi aabotbm sa pangyayaring nakahiga na si Ysabel sa dugo niya.
But if it's gangsters. Anong gang ang may gawa niyon kay Ysabel? At dahil umabot sa ganoong pangyayari ay isa lang ang ibig sabihin niyon. Malaki ang naging atraso ni Ysabel sa kung sinoman ang may gawa niyon sa kaniya.
"Red." At naputol ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni Aries na nasa harapan ko. Napatingin naman ako sa kaniya. At ayon nga inaabot niya sa akin ang isang shot glass na may lamang alak. Nakangiti naman akong tinanggap iyon at kaagad na ininom. Kahit mapait pa iyon ay pinilit kong lunokin saka ibinalik ang baso sa nakangiting Aries.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Fiksi RemajaPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024