That Same Old Sorrow

0 0 0
                                    

XXIV. ASH

"Everything will be alright, okay? I'm here." Rinig kong sabi ni Adrian. Pero hindi ako sumagot. Nanatili lang akong naka-yakap sa kaniya habang umiiyak. Hini-himas naman niya ang likuran ko. Tipong pinapa-tahan niya ako. Pero hindi ko magawang tumahan, at nagpa-tuloy lang ako sa pag-iyak. Nanatiling lumu-luha ang ang dalawang mata ko.

Kanina pa nagpabalik-balik iyong mga katagang sinabi ni Mommy sa akin-sa amin ni Kuya Travis nang maka-uwi siya from US.

You know what she said?

"Edwin's gone. Your Dad's gone, my husband is gone..." Putol-putol na sabi ni Mommy dahil sa patuloy na pag-iyak nito. "Kaya kami nasa Japan at US ay para pagamutin si Edwin. Knowing na mas advance ang mga technology nila doon. Pero maski ang mga iyon, walang nagawa sa sakit ng Daddy niyo. Walang nagawa sa cancer ng Daddy niyo..."

"College pa lang ako nang malaman kong may cancer siya. Stage 4 na ng malaman ko, kaya pala niya ako iniwan noon, kaya pala umalis na lang siya bigla noon. At kahit stage 4 na ang lung cancer niyang iyon, kahit alam namin na any time puwede na siyang kunin sa amin, pinag-dasal ko. Hiniling ko sa Diyos na sana... Na sana bigyan niya kami ng himala. Na mag-tagal pa si Edwin dito sa mundo..."

"At sa tingin ko naman, tumagal siya dito. Matagal natin siyang nakasama. We've been with him for almost 20 years. And I'm thankful for that until now. And I'm always thankful for that miracle."

"Kaya wala akong galit o tampo man lang sa Diyos sa pag-kuha nito kay Edwin. Bagkus, natutuwa ako dahil kinuha niya na si Edwin. Hindi na mahihirapan si Edwin. Hindi ko na siya makikita pang nahihirapan dahil sa sakit niya..."

"I even told Edwin before, kung nahihirapan siya puwede na siyang bumitaw. Puwede na siyang mag-paalam. Pero pinilit niya. Lumaban siya sa sakit niya, hoping na tumagal pa siya dito. Dahil mahihirapan daw ako magpa-laki sa inyong dalawa. At para makita kayo habang luma-laki. And he did, he saw you growing up. And he's happy that he saw the both of you."

"That night, nakikita kong nahihirapan na talaga siya. That's why I decided to let him go. Mahirap, oo. Mahirap pakawalan ang taong kasama mo na sa simula't-simula pa lang. Mahirap pakawalan ang taong sinamahan ka sa lahat ng bagay. Mahirap pakawalan ang taong minahal mo ng sobra. Minahal mo ng sobra. Sobra pa sa sarili mo. But he told me that I have to be strong. Magpaka-tatag ako para sa kaniya, dahil nagpaka-tatag siya para sa akin. Magpaka-tatag ako para sa inyo."

"Kaya kahit masakit para sa akin, I told him na mag-pahinga na siya. Ayon naman talaga ang kailangan niya sa mga oras na iyon. Ang mag-pahinga, dahil pagod na siya. Dahil nahihirapan na siya... Sobra."

"Kaya siguro nagpa-paalam na siya ng oras na iyon. Dahil alam niya na, ready na ako. Ready na akong umalis siya. Alam niya na hindi ko kayo papabayaan. And I know, hindi niya tayo papabayaan."

"He's just waiting for me to say that. He's just waiting for me to say that I'm letting him go after all the years that we've been together. He's just waiting for me to say that before he left."

"He kissed me for the last time. He hold my hand. And he says I love you, he smiled and slowly closing his eyes. After a few minutes, he's not breathing anymore."

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now