That Same Old Thought

0 0 0
                                    

VI. ASH



"Adrian... I love you..."

"Whatever happens, always remember that I love you..."

Inuntog ko na naman ang ulo ko dito sa manibela ng kotse ko. Dahil sa panaginip ko.

Panaginip nga ba?

Kasi kagabi diba nag-inuman kami nila Stanley doon sa roof top or terrace, or kahit ano sa dalawang iyon. Same lang namang tawag iyon eh. Tapos ayon, diba nag-laro kami ng Never Have I Ever hanggang sa maubos namin iyong sampong bote. Tapos nang maka-tulog sila doon sa sahig ay naisipan kong bumaba doon sa party at hinanap ko si Kuya Travis para mag-patulong na buhatin sila anim. Alam ko naman na may pagka-hilo na ako kaya tinanggal ko 'yong high heels kong suot-suot at bumaba.

Tapos nang maka-labas ako ng bahay ay nakita ko si Kuya Travis na kausap si Adrian. At dahil kailangang-kailangan ko ng tulong ay lumapit ako doon sa puwesto nila.

Sila Stanley kasi, iinom-inom, matutulog lang naman pala pagtapos. Dapat after uminom pumunta na agad doon sa guest room para hindi nakaka-bawas ng pride.

Edi sana wala ako sa harapan nila Kuya Travis at Adrian. At wala sila sa harapan ko. Alam ko naman na kasi na ayaw na akong makita ni Adrian, dahil kuno sa ginawa kong pang-loloko sa kaniya. At wala akong pakialam doon. Bakit naman kasi nandoon siya sa party kagabi? Inin-vite ba siya ni kuya Travis?

O baka inin-vite siya ni Mommy?

Wait...

Inin-vite ni Mommy si Adrian kaya siya nandoon kagabi? Magka-kilala sila? Paano at kailan? At nakita ko sa harapan ko na naglalakad si Kuya Travis na may akbay-akbay na lalaki. Must be his team mate. Hindi ko kilala eh. Tss.

Hindi kaya sinabi ni Kuya Travis na may relasyon kami ni Adrian noon? Shit.

But back to the topic, Kuya Travis made me say hi to Adrian, dahil boyfriend ko daw siya. Gosh, hindi niya ba alam na break na kami? Eh lagi naman silang mag-kasama dahil magka-team sila sa basketball?

Tss. Mga lalaki talaga. Pare-pareho ang utak.

Tapos after ng pag-hi ko kay Adrian n'on ay wala na akong maalala.

Psh. Bakit wala akong maalala?

Baka may ginawa or nasabi akong hindi karapat-dapat kay Adrian. Oh baka may ginawa siya sa akin kagabi pero hindi ko maalala. At kung ano man iyon ay wala akong maalala.

"Whatever happens, always remember that I love you..."

That phrase again.

Hindi ko naman siya sinabi sa kahit na sino. At wala akong maalala kung kailan at saan ko sinabi ang mga katagang iyon.

Pero sa panaginip ko kagabi, sinabi ko iyon kay Adrian. Tss. Anong klaseng panaginip iyon.

Pero sa panaginip ko kagabi, sinabi ko iyon kay Adrian. Tss. Anong klaseng panaginip iyon?

Tapos before ako pumasok sa school ay tinanong ko si Kuya Travis kung nandito ba si Adrian kagabi. And he said, wala raw.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now