That Same Old Conversation

0 0 0
                                    

V. ADRIAN



Bumaba ako ng kotse at tiningnan ang bahay.

Maraming tao, yong iba ay mga naka-formal na suot. Yong iba naman ay akala mo nasa bar ang mga kasuotan. Tapos naisip ko pa na itong suot ko ngayon ay akala mo nasa beach ako.

Nandito kaya siya? Makikita ko kaya siya?

Aba, malamang nandito at makikita mo siya, ito bahay niya eh.

Nababaliw ka na naman Adrian.

Gusto ko sana siyang makita, wala eh miss na miss ko na siya. Pero nagda-doubt lang ako na baka kapag makita ko siya, ay kaagad ko siyang lalapitan, magmama-kaawa sa kaniya na bumalik na siya sa akin kahit na ang daming tao sa paligid namin.

Pero pipigilan kong hindi gawin iyon dahil it's not me. At mataas ang pride ko.

Napabuntong-hininga ako habang tini-tingnan ang bahay na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako kinaka-bahan.

Eh ano naman kung nandiyan sa loob si Ysabel? Eh galit ako sa kaniya?

Pero mahal mo pa din.

Aish...

Hinampas ko ang noo ko dahil kung ano-ano na itong naiisip ko.

Baliw ka na Adrian. Kaunti na lang dadalhin na kita sa Mental Hospital.

"Adrian?!", At napatingin ako sa tumawag sa akin mula sa kanan. At nandoon ang isang lalaki na para ko na ring kuya.

"Oh, Kuya Travis, kamusta?", Tanong ko sabay fist bump naming dalawa. Kasabay niyon ay nakita ko sa may kanang pulsuhan ang isang tattoo na dragon.

"Okay naman." At tumango ako samantalang siya ay bumuga ng usok galing sa sigarilyo saka nilagay sa sahig at tinapakan iyon.

"Ikaw kamusta?", Tanong naman ni Kuya Travis.

"Okay naman Kuya." Sagot ko.

"Mabuti kung ganoon." At tumango ako.

"Nagpa-tattoo ka?", Tanong ko dahil nga doon sa nakita kong dragon sa may wrist niya.

"Ah oo." At saka niya tiningnan iyong tattoo niya. "Gusto ko pa nga magpa-tattoo eh, pero sa sunod na lang." At saka siya humarap sa akin. "Ikaw, gusto mo magpa-tattoo?"

"Ah hindi na, takot ako sa karayom." At natawa ako.

"Ikaw talaga, tara na nga sa loob. Birthday ni Mommy." Sabay akbay niya sa akin at pumasok kami sa loob.

"Talaga? Dito din pumunta si Daddy eh." At napatingin sa akin si Kuya Travis.

"Si Tito David?", Tanong niya.

"Kilala mo si Dad?", Balik kong tanong sa kaniya.

"Oo, business partner ni Mommy iyon." At tumango ako. "Hindi ko ba nabanggit sa'yo?"

"Hindi." At natawa siya.

Bakit hindi ko alam yon?

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now