That Same Old Night

0 0 0
                                    

XIX. ASH



Nang matapos ang breakfast slash lunch namin nila Daddy ay nag-paalam sila na aalis muna. At nang tanungin namin sila ni Kuya Travis ay ang isinagot lang ay magdi-date sila. Kaya pala bihis na bihis sila nang makababa ako.

Tapos nagulat na lang kami ni Kuya nang makita kong may hila-hila silang dalawang maleta.

Akala ko ba date lang? Tapos may maletang dala. Ano yon, diretso tanan? Choos.

Nang tanungin naman ni Kuya Travis kung saan talaga sila pupunta ay sa Japan daw.

Angas ah. Sa Japan pa magdi-date.

Tinanong ko naman kung anong gagawin nila doon sa Japan bukod doon sa date kuno nila and oh well sa business.

At lumaki na lang ang mata ko nang marinig ko ang isinagot ni Daddy.

"Magha-honey moon, dahil napagisip-isip namin ng Mommy niyo na gumawa ng baby number 3." Oh diba dapat hindi ko na tinanong.

At saka ang tatanda na nila ngayon pa nila naisip ang pag-gawa ng baby number 3. Naalog din ba ang ulo nila kagaya kay Kuya Travis?

"Eh Dad, puwede namang dito niyo na lang gawin yong baby number 3 ah." Pangga-gatong pa ni Kuya Travis.

"Baka marinig niyo eh. Maingay pa naman itong Mommy niyo." At hinampas tuloy siya ni Mommy kaya natawa si Daddy. Natawa naman doon si Kuya Travis.

Samantalang ako ay hindi ko ma-digest ang mga narinig mula sa pamilya ko.

Iyon ba talaga ang pamilya ko? Parang ampon lang ako.

Mga siraulo eh. Ako lang yata ang hindi.

After ng nakaka-diring pangyayaring iyon ay umalis na sila Mommy at Daddy. Nandidiri pa nga akong halikan sila sa pisngi after ng mga narinig ko mula sa kanila.

Oh well kung hindi din naman dahil sa bagay na iyon ay hindi kami mabubuo ni Kuya Travis. Pero kailangan bang sabihin iyon? Diba?

Nag-tungo ako sa kuwarto para maligo dahil naiinitan na ako. Nakita ki pa na suot-suot ko iyong kuwintas na ibinigay ni Adrian kagabi kaya napangiti na lang ako habang naliligo.

Pag-tapos kong maligo ay nag-bihis ako at hinanap ang chocolate na sinasabi ni Daddy na nilagay niya sa kuwarto ko. Pero kahit kapirasong chocolate ay wala akong mahanap kundi itong maliit na black box.

Kunot-noong binuksan ko naman iyon at napangiti na lamang ako ulit dahil isa iyong bracelet. Gold bracelet iyon na may nakalagay na gitna na Ysabel. Siyempre agad ko namang isinuot iyon. Ang ganda nga eh.

Sure naman ako na kay Daddy galing iyon dahil wala ito kagabi kaya hindi ito galing kay Adrian.

Si Daddy talaga nag-abala pa. Hindi man lang niya sinabi na binilhan niya ako ng bracelet. Hindi tuloy ako nakapag-thank you sa kaniya bago sila umalis. Pag-balik na lang siguro nila from Japan.

Pero dahil gusto ko na kumain ng chocolate ay bumaba ako at tumungo doon sa kusina. Wala kasi sa kuwarto ko ang mga chocolates kaya malamang nasa refrigerator iyon.

At nang marating ko ang tapat ng refrigerator ay binuksan ko agad ang itaas na bahagi at tila ba nag-heart ang mata ko dahil ang daming chocolates.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now