LXIV. ASH
Pinahid ko ang mga luha na nasa pisngi ko at masama ang tingin ko na humarap kay Samuel.
"I won't choose, Samuel." Matapang kong sagot kaya natawa si Samuel sabay tago ng baril sa kaniyang likuran.
Iyon ang kukunin ko upang maligtas ko si Stanley at Adrian.
Mabuti na lang at wala rito si Lacey at ang kaniyang pamilya. Hindi sila madadamay sa nakaambang gulo ngayon. At hindi ko rin hahayaan na madamay sila Lacey dito. Tinulungan na nga nila kami tapos idadamay pa namin sila dito sa gulo namin. No way.
"You won't choose? Then maybe I'll kill them both." Saad ni Samuel. Sa sinabing iyon ni Samuel ay para bang nanlamig ako. Papatayin niya sila. Sinabi niya ang mga salitang iyon ng walang pag-aalinlangan. Talagang pinapakita niya na isa siyang demonyo.
Paano ko sila lalabanan lahat kung mag-isa lang ako?
Pero kahit na ganoon ay hindi ko dapat ipakita ang takot ko. Hindi ko dapat ipakita kay Samuel ngayon na mahina ako. Hindi ko dapat ipakita sa kanilang lahat na nawawalan na ako ng pag-asa. Dapat ay makahanap ako ng paraan upang maligtas si Stanley at Adrian. At natitiyak kong ang baril na nasa likuran ni Samuel ang pag-asa ko na iyon.
"Itigil mo na 'to Samuel! Wala kang mapapala sa'min!", Sigaw ko kaya nawala ang tawa niya. "Nakaganti ka na sa'kin! Nakaganti ka na sa'min! So please, itigil mo na 'to."
"Ititigil ko 'to?! Para saan?! Para mawala ka na naman sa'kin?! No! I won't do that Ysabel! You're mine! You're only mine! At ang dalawang 'yon? Sila ang naglayo sa'yo mula sa akin! At ayoko nang maulit pa 'yon. Kung kailangan nilang mamatay upang hindi na tayo maghiwalay muli, then I will let them die." At sa boses na iyon ay nahalata ko ang galit na naramdaman ni Samuel.
"No Samuel! You won't do that!", galit kong sabi. "Pinagkatiwalaan kita Samuel! Pero 'yong ginawa mo sa rest house? Para mo na rin akong trinaydor! Minahal kita! Alam mong minahal kita! Pero niloko mo ko Samuel! Pinaglaruan mo 'ko!", galit kong sigaw. At nakita ko na lamang na iyong galit sa mukha ni Samuel ay nawala. Napalitan iyon ng lungkot at pagsisisi. Pero wala na akong pakialam sa nararamdaman niya ngayon. I need to get that gun from him. Upang hindi matuloy ang kung ano man ang pinaplano niya.
"At ngayon babalik ka?! Nakaganti ka na diba?! Nagantihan mo na si Kuya Travis sa pamamagitan ko! Bakit ka pa bumalik Samuel?! At ito?! Ito ang gagawin mo?! Idadamay mo pa sila?!"
"Dahil nilayo ka nila sa'kin Ysabel! Nasa akin ka na! Pero kinuha ka nila sa'kin."
"Hindi nila ako kinuha sa'yo Samuel! Ako ang umalis sa'yo! Naririnig mo?! Ako ang umalis sa'yo dahil hindi na kita mahal-" Bago ko pa man natapos ang sasabihin ko ay dumapo na ang isang kamay ni Samuel sa aking pisngi. Sinampal niya ako. At sa malakas na sampal na iyon ay para bang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. Sa lakas niyon ay nawalan ako ng balanse. At ang akala ko'y babagsak ako sa buhangin dahil sa malakas na sampal na ginawa sa akin ni Samuel. Pero hindi ako bumagsak sa buhangin dahil may sumalo mula sa likuran ko. Siguro ay ka-grupo nila Samuel ang sumalo sa akin.
Napaluha na lang ako dahil sampal na ginawa sa akin ni Samuel ay para bang nawala ang lakas ko. Ang natitira kong lakas ay nawala dahil sa sampal ni Samuel. Tila ba wala na akong lakas na kunin ang baril sa likuran niya.
"Ilapit mo siya dito, Olivia." Rinig kong sabi ni Samuel kaya naramdaman ko naman ang paghila sa akin. Wala ng tanong-tanong, si Olivia iyong humila sa akin.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
JugendliteraturPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024