That Same Old Change

0 0 0
                                    

XII. ADRIAN



Dahil malapit na mag-bell for our next class ay sunod-sunod na ang pasok ng mga students dito sa room kaya ibinaling ko ang mata ko sa labas ng bintana kung nasaan ang malawak na garden dito sa university.

It's been a month since Ysabel and I broke up. Yup, isang buwan na. Hindi ko nga namalayan na isang buwan na eh. Noong unang mga araw eh nahihirapan pa akong mag-move on. Pero nang unti-unti na akong nasasanay na wala na si Ysabel sa tabi ko ay nakaka-move forward naman ako. Paunti-unti. Pero alam ko namang makakapag-move on ako sa tamang panahon.

The last time I saw Ysabel was a month ago. No'ng nag-away kami ni Criza sa basketball court, no'ng dinala ko sa clinic si Ysabel dahil nahimatay siya. And lastly, no'ng sinabi ni Ysabel na she's letting me go. Siguro ay tino-too ni Ysabel iyong mga sinabi niya sa'kin a month ago. Dahil after that day, hindi ko na siya nakita. Kahit dito sa loob ng university ay hindi ko na rin siya nakita. Sabagay malaki itong university namin at magka-layo ang mga building namin. Magka-iba kasi kami ng course. At dahil hindi ko nakikita so Ysabel dito sa university ay naisip ko tuloy na baka lumipat na siya ng ibang university o sadyang hindi na kami pinagta-tagpo ng tadhana.

Kamusta na kaya siya? Is she doing good? Nasaan na kaya siya ngayon?

At kahit na nagka-hiwalay na kami. Eh nandoon pa din iyong pag-alala at siyempre iyong pagmamahal ko sa kaniya. Wala nang magbabago doon.

"Tol." Bulong na tawag sa akin at napatingin ako kay Henry.

"Bakit?", Tanong ko. At tile ba may tinuro siya gamit ang nguso niya. Tiningnan ko naman iyon at lumaki na lang ang mata ko.

Na kahit naka-talikod ay alam kong sino ang babaeng iyon. Na tipong nag-slow motion ang paligid ko. Dahil after a month nakita ko siyang muli, hindi ko naman maita-tanggi na hindi ko siya na-miss. Miss na miss ko kaya siya.

Na after a month siya pa din ang sini-sigaw ng puso at utak ko. Na after a month parang hindi nabawasan iyong pagmamahal ko sa kaniya ng kahit mga 5%.

She dyed her hair gold. Hindi naman as in gold na gold. Tipong kapag nasisinagan ng araw ay makikita mo ang kulay, which is nasisinagan iyon ng araw ngayon kaya makikita mo ang kulay.

She's wearing a maroon floral dress na bumagay naman sa kaniya dahil maputi siya at isang white cardigan na unti-unti niyang tina-tanggal sa harap ng bintana. Siguro kasi ay naiinitan siya siya kahit may dalawang aircon dito sa loob.

At nang mahubad niya iyon ay kumunot ang noo ko dahil sa nakita ko mula sa kaniya.

Naka-suot kasi siya ng sleeveless dress kaya makikita iyong likod niya. At sa likod niya ay may drawing na isang itim na rosas.

Hindi ko alam kung peke o totoo iyong tattoo niya sa likod. Pero nagulat na lang ako nang makita iyon sa likod niya. Dahil alam kong in the first place ay takot siya sa sinulid.

Pero mukha ba siyang takot sa sinulid eh may tattoo siya?

Siguro nagbi-biro lang siya no'ng sinabi niyang takot siya sa sinulid.

Pagkatapos niya hubarin iyon ay humarap siya sa puwesto namin at nakita kong nagulat siya nang makita niya ako. Kaagad naman siyang umiwas ng tingin sa akin at ibinaling kay Stanley na tumayo sa harap niya.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now