LVII. ADRIAN
"Hindi na ba kayo magpapalit?", tanong ni Tita Teresa. Oh huwag kayong ano diyan. Ayan ang gustong itawag namin sa kanila ni Tito Japeth. Para naman daw medyo makabata. Iyong Tsong at Tsang, saka raw Nanay at Tatay ay mukhang nakaka-tanda na raw kaya huwag na.
"Hindi na ho. Bukas na lang. Pagod na po itong mga katawan namin eh." Sagot naman ni Ysabel. Oo mga pagod na nga kami. Pagod na kaming apat para magligo o kahit magpalit man lang ng damit. Hindi naman kami mabaho eh kaya puwede naman na sigurong bukas na lang maligo at magpalit. Isa pa ay hindi kami masyadong nakatulog. Ewan ko lang kay Ysabel kung bakit hindi siya nakatulog sa byahe eh alam kong pagod at masakit pa ang katawan niya dahil nga diba kaka-galing niya lang sa ospital?
Ako kasi ay hindi masyadong nakatulog. Actually kaming dalawa ni Stanley ay hindi masyadong nakatulog sa buong byahe dahil tinitingnan namin ang paligid kung may nakasunod ba sa amin na kabilang gang.
But thank God at wala naman. Kaya nakakasiguro ako na makaka-panirahan kami ng tahimik sa lugar na ito. Sana nga ay tahimik dito. Gusto ko ring subukang mamuhay ng simple. Mamuhay sa probinsya. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa probinsya ni Daddy kaya hindi ko alam kung ano ang itsura n'on.
Nang makarating kami dito sa bahay ni Lacey ay tinext ko na agad si Kuya Travis. Sinabi ko sa kaniya na nandito kami sa probinsya nila Lacey. He even asked kung saan ito dahil baka may makaalam mula sa mga Aces na nandito kami at nangangailangan namin ng tulong. And I just answered, somewhere in Visayas. Nagulat siya at talagang sa malayong lugar kami nagpunta. Tiyak hindi na kami rito masusundan.
Nag-send din ng pera sa amin si Kuya Travis. And maybe kukunin namin iyon one of these days. Siguro kapag nakabawi na kami ng lakas. Para sa pang-gastos naming apat dito. Nakakahiya naman kasi kila Tito at Tita na sila pa ang gumastos diba? May pera rin naman kaming dala ni Stanley kaya may magagamit pa kami. Pero alam kaya ni Tito James na nandito si Stanley sa probinsya? Hindi kaya magtataka si Tito James kung bakit hindi na pumapasok si Stanley sa University?
Kinamusta ko naman sila doon at ang sabi niya ay tahimik pa ang kabilang gang kaya chill lang daw muna sila doon lahat. Bakit naman kasi hindi mananahimik ang buong Murderous Aces kung iyong mga galamay nila ay nasa hideout nila Kuya Travis. So kaya sila nanahimik ay nagtataka sila kung nasaan ang mga leaders ng kaanib nilang gang o hinahanap na nila sa mga oras na ito si Ysabel. Si Ysabel na nandito sa probinsya kasama ko.
Oo nga pala, iyong pangyayari sa hideout ay hindi natuloy. What I mean is, nang makita nila na sira-sira ang bahay ni Levi ay nag-decide sila na wala naman pala silang mapapala doon dahil walang tao. Kaya ayon, umalis agad sila. Nonsense kapag nagtagal pa sila sa sira-sirang bahay na iyon ni Levi. Ano naman kasing mapapala nila sa sira-sirang bahay? At saka ano namang gagawin namin sa sira-sirang bahay? Tingin ba nila ay magtatago kami doon?
Nang malaman din namin na nakaalis iyong gang na iyon ay isa-isa kaming nagpaalam sa kanila. Dahil iniisip daw nila na baka ito na ang huli naming pagkikita lahat. Kulang na lang ay mag-iyakan na kami doon sa hideout. Kaya ang nasabi ko na lang ay masasamanh damo naman sila lahat kaya hindi agad-agad sila mamamatay. At ayon, isa-isa nila akong binatukan. Pati si Stanley at Caleb ay nakibatok din sa'kin. I thought they we're on my side?
Pero okay na rin iyon, na nagtatawanan. Hindi iyong umiiyak.
Bago kami makalabas ng hideout ay niyakap akong muli ni Kuya Travis. Sinabi niya rin na tumawag kapag nagkagulo sa pupuntahan naming lugar dahil kaagad na pupunta sila. Na huwag naming pabayaan ang isa't-isa. Na protektahan namin ang isa't-isa. Na ako na ang bahala kay Ysabel. Hinihiling niya rin na sana magkabati na kami ni Ysabel. Sinagot ko naman siya na makaka-asa siya na gagawin ko ang lahat mailayo lang sa kapahamakan si Ysabel. At babawi rin ako sa mga pagkukulang ko kay Ysabel upang bumalik kami sa dati. Upang maging masaya kami ulit.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024