XXX. ASH
After the bell for lunch ay tamad na tamad akong tumayo sa upuan ko. Ni hindi ko man lang na-halungkat ang gamit ko. Ni hindi man lang ako nakapag-labas maski isang ballpen at isang piraso ng papel para makapag-sulat ng mga notes sa isang minor subject.
Aba! Kahit minor subject lang iyon, mahirap pa din iyon ah. Dito sa university namin, ang mas nagpapa-hirap sa amin eh yong minor.
Noong second year nga ay halos mabaliw-baliw na kami sa pagkabisado ng mga laws. Tapos biglang may pa-festival pa. Naku, ewan ko na lang talaga. Bukod sa Laws, PE ang nagpapahirap sa amin. Pero wala naman kaming choice kundi gawin para maka-survive. Pero in the end nakaya naman namin iyon, kaya nga lang sa room namin eh 12 persons ang gumawa ng props at kasama ako doon. Sila Criza at Raiza naman ayon, feel na feel ang pagsayaw. Ayaw daw kasi nila mapagod sa paggawa ng props. Eh diba mas nakakapagod ang pagsayaw?
Tapos alam niyo bang halos wala na kami g tulog no'n dahil sa paggawa ng props? Dalawang linggo lang kasi ang binigay ng Prof namin para makagawa ng practice at makapag-practice ang mga sasayaw. Like WTF lang diba? Akala mo naman ang dali.
Pinerform yon sa Gym, mula first year hanggang second year. Sabay-sabay pala kami ng activities noon bago matapos ang klase. I mean ang semester n'on. After kasi n'on ay summer vacation na. Kaya para sa aming lahat na walang tulog talaga ay heaven ang bakasyon.
Napag-pasyahan pa nga nila na mag-outing kami sa kung saan man nila naisin. Pero hindi na natuloy dahil pare-pareho kaming mga pagod, walang energy. At mas gugustuhin na lang na matulog buong summer vacation. Kaya napag-pasyahan na lang namin or nila na susunod na bakasyon na lang gawin or bago gru-maduate. O kaya naman kung kailan nila naisin.
Nag-iisip agad ng outing, ang tagal pa pala. Eh pagkakaalam ko din, wala pang lugar kung saan. Pero alam ko naman na maganda ang pupuntahan namin.
"Ash halika na kumain na tayo, nagugutom na ako eh." Sabi ni Raiza.
"Ako din, let's go na. Nandoon na din sila Lorie." Sambit naman ni Criza.
Ako naman ay napabuntong-hininga lang dahil hindi pa ako nagugutom. O baka wala lang talaga akong gana. Tamad na tamad talaga ako ngayong araw. Ewan ko ba kung bakit.
Siguro dahil doon sa napag-isipan kong gawin kagabi. Ang dapat kong gawin mula pa ng malaman ko ang pagta-traydor sa akin ni Adrian. Bukod sa magalit ako sa kanila-lalo na kay Adrian sa ginawa niyang so called pagta-traydor sa akin. Tapos sila Kuya eh tiwalang-tiwala doon sa Adrian na iyon.
Hindi ko nga alam kung bakit na lang ganoon ang pagti-tiwala nila kuya Travis sa Adrian na iyon eh. Ano bang meron sa Adrian na iyon at tiwalang-tawala doon si Kuya? Not just Kuya Travis but all of the members of the Executioners. And also Levi. And maybe Stanley?
Hindi ko pa sila nakakausap at wala akong balak na kausap sila. Why bother? Eh hindi naman din nila ako pinaniniwalaan diba? Pero si Stanley naman lapit ng lapit sa akin para mam-buwesit, sa amin pa din kasi siya nakatira. Bumalik naman na ang Daddy niya from States, pero palaging umaalis.
Hanggang kailan ba siya maninirahan sa bahay namin? Mansyon naman ang bahay nila tapos sa amin pa din nakatira. Eh ano naman kung wala ang parents niya? May mga maids naman doon? At saka ang laki-laki niya na oh, hindi niya ba kayang alagaan ang sarili niya?
But back to the topic, ayon nga si Stanley, nakatira pa din sa bahay namin. Lapit ng lapit pa din sa akin para mam-buwesit. Ewan ko kung bakit niya iyon ginagawa. But it's a good thing though para maiba naman ang naiisip ko sa mga nag-daang araw. At sa tuwing magkasama kami ni Stanley, ay wala naman siyang sinasabi patungkol doon sa nangyari noong birthday ni Caleb.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024