That Same Old Letters

0 0 0
                                    

XXXII. ASH



N

andito ako sa hallway na nakatangang nakatayo sa harap ng bukas kong locker. Iniisip kong kanino galing ang mga hawak-hawak kong maliliit na sobre na iba't-iba ang mga kulay.

May itim, may pula at may puti.

Hindi ko pa nabubuksan ang mga iyon pero alam kong mga card ang laman niyon. Sa labas ng card ay wala man lang pangalan kung kanino galing.

Tanging isang itim na rosas at isang itim na spade na may isang malaking letter A lang ang nasa likuran niyon.

It symbolizes my gang and their gang...

Pero bakit niya ako papadalhan ng sobre? Magpapakita na ba siya ulit sa akin? Magpapakita na ba sila sa amin? At ano nang susunod na gawin nila?

Wait, is the gang war are already started?

Nang mamaril ang limang lalaki na iyon sa bahay ni Caleb na birthday pa talaga niya ay ibig sabihin ba n'on ay umpisa na ng gang war?

Kahit alam ko naman na magi-start na iyon any moment by now, bakit hindi man lang sila nagpasabi diba?

Well yeah right, they're gangsters. Walang may alam kung kailan sila babalik. Walang alam kung kailan sila gagawa ng move. Pero bakit naman kasi ngayon pa? No! It should be bakit pa sila bumalik? Hindi pa ba sapat iyong mapapatay na ni Kuya Travis ang leader nila kung hindi lang pinigilan ni Stanley si Kuya?

I know they're gangster too na kapag naagrabyado ang leader nila, tiyak reresbak sila. Hindi pa ba sapat iyong malapit na ngang mapatay ni Kuya Travis ang leader nila? Hindi ba sila you know, natatakot? Hindi ba nila naisip na baka magaya din sila doon sa leader nila? Hindi ba sila takot mamatay?

The last time I saw Aces' leader ay no'ng nagkaroon ng gang war at muntikan nang mamatay iyon. Si Kuya Travis pa mismo ang naghatid sa ospital n'on.

He is he's bestfriend afterall.

Huling balita namin doon ay dinala siya sa States para doon magpa-gamot. Grabe naman kasi ang ginawa doon ni Kuya Travis dahil sa galit niya.

Pero hindi ko din naman masisisi si Kuya Travis sa ginawa ng kaibigan niya sa girlfriend niya. Akala mo walang kapatid na babae para gawan ng kahayupan si Ate Emma.

At alam kong hanggang ngayon ay hindi pa nakakalimutan iyon ni Kuya Travis. Na hanggang ngayon ay alam kong may galit pa si Kuya Travis sa kaniya. Na kahit kailan ay hindi mapapatawad ni Kuya Travis ang ginawa niyang iyon.

But back to reality tayo, puwede ko naman sigurong buksan ang mga ito ano? Aba! Kung hindi puwede bakit pa ito pinadala. So I decided na unang buksan ang pulang sobre.

Isang card iyon na pula din at may nakasulat na Aphrodite's beauty was so great that roses sprang up wherever she walked.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa nabasa kong iyon. At bakit naman nadamay dito si Aphrodite? Kung sino man ang nagsulat nito, lawak ng isip ah. Nadamay pa si Aphrodite, eh nananahimik yong tao.

Kinuha ko din naman puti at kaagad na binuksan at meron ding itong puting card na may nakasulat namang Love and a red rose can't be hid.

Oh dito naman sa pangawala may pa-love pa? At saka may pa-red rose pang nalalaman. Aba! Bakit red rose iyon? Eh black rose ang pangalan ng gang namin eh. Nagkamali ba ng pasok iyong tao dito sa locker ko? Ang tanga naman n'on. Baka hindi pala sa'kin ito tapos binubuklat ko.

At sinong tanga naman ang naglagay nito dito? Alam kong galing ito sa Aces pero bakit sa akin binigay to? Sa akin nga ba? O nagkamali ng bigay dahil hindi kami red rose. Tsh. Masyado nang common ang red rose 'no. Kaya nga naisip kong black rose na lang ang pangalan ng gang namin dahil trip ko din naman ang rose, well lahat kami na nasa gang ay trip ang rose. Ayon nga lang, ang gusto namin ay black.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now