LX. ASH
Ilang minuto ang lumipas pagtapos naming gawin iyon ni Adrian ay nanatili pa rin kaming nakahiga rito sa kuwarto. Nakalagau ang aking ulo sa dibdib ni Adrian. Samantalang si Adrian naman ay nakayakap sa akin.
May nagawa kami ni Adrian. Nagawa namin ang bagay na ginagawa ng mag-asawa. Bagay na hindi dapat ginagawa ng magkasintahan pa lang. Bagay na hindi dapat namin ginagawa ni Adrian. Bagay na mali para sa aming dalawa. Pero ginawa pa rin naming dalawa ni Adrian.
Pero para sa akin ay wala akong pinagsisisihan na gawin iyon. Pakiramdam ay hindi mali na ginawa namin iyon. Dahil para sa akin ay tama lang ito. Tama lang dahil kasama ko si Adrian. Tama lang dahil kay Adrian ki ginawa ang bagay na ito. It's my first time and I'm happy that I gave it to Adrian. I gave it to the man that I love. Siya ang nakauna sa akin. At kailanman ay hindi ko ito pagsisisihan. I won't regret that we did that. Because I know I did that with Adrian.
Mabuti pa at si Adrian na ang nakauna sa akin kaysa ang iba. Dahil kung si Samuel o ang iba ang makauna sa akin ay patuloy kong pagsisisihan iyon buong buhay ko. Dahil ang alam ko sa bagay na ito ay ibibigay mo sa taong mahal mo. At hindi sa lalaking kinamumuhian at hindi kilala.
There's still pain in my chest. Nasasaktan pa rin ako sa ginawa sa akin niyong tatlong lalaki sa akin kanina sa CR. Pinapanood nila ako habang naliligo. Kung hindi ko pa narinig na may nagsalita sa kanila ay hindi ko pa malalaman na pinapanood nila ako. Iyong mga mata nila ay para bang gusto na nila akong sakmalin. Parang gusto na nila akong gahasain.
Takot na takot ako sa mga oras na iyon. Ni hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang makita ko ang mga demonyo nilang ngiti. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko no'n. At kahit hindi na ako makagalaw dahil para akong na-stuck doon sa loob ng CR ay pinilit kong gumalaw at inabot yong tuwalya saka ipinulupot iyon sa katawan ko.
Narinig ko ang mga tawa no'ng tatlong lalaki kaya nagtuloy-tuloy na ang mga luha ko. Napaupo pa ako sa gilid habang umiiyak. Narinig ko pa na tumawa sila lalo habang umiiyak ako kaya napatakip na lang ako n'on ng dalawa kong tenga.
Habang umiiyak ako ay napapatanong ako sa sarili ko kung bakit sila ganiyan. Kung bakit natutuwa pa sila eh umiiyak na nga ako dito dahil sa kanila. Bakit sila natutuwa eh natatakot na nga ako. Bakit sila natutuwa eh nasa miserable na nga akong kalagayan ngayon. Paano pa nila nagagawang tumawa eh natatakot na nga ako dito. Imbis na maawa sila sa akin eh natutuwa pa sila sa kalagayan ko.
Idagdag mo pa na bumalik bigla ang naramdaman kong takot nang bigla kong maalala ang ginawa sa akin ni Samuel. Ang muntikan niya akong gahasain. Takot na takot ako ng mga panahong 'yon. Takot na takot akong magawa niya ang bagay na iyon sa akin na hindi pa ako handa. I love him pero hindi pa ako handa na iyon sa kaniya. Fuck! I was just 18 that time. And I'm not ready yet.
Nang maalala ko ang mga alaalang iyon ay nagtuloy-tuloy ang mga pag-iyak ko dahil naisip kong parang naulit na naman ang pambabastos sa akin. Dahil sa simpleng tingin lang ng mga lalaking iyon ay parang kinuha na ril nila ang pinaka-tinatago ko sa lahat. Para bang kinuha na rin nila ang puri at dignidad ko sa pamamagitan ng tingin at mga tawa nila.
Takot na takot ako kanina. At tila ba unti-unti akong nanghina. Wala na akong lakas para lumabas at saktan sila kundi ang nakaupo habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa dalawang tenga ko at tinatawag ang pangalan ni Adrian.
I was hoping that time na sana nakauwi na sila mula sa pangingisda kasama si Tito Japeth at Stanley. At malaki ang pasasalamat ko na nasa harapan ko si Adrian. Nag-aalala siya sa sakin. Kung hindi lang pumasok bigla si Adrian ay hindi ko pa malalaman na hindi pala naka-lock ang pinto ng CR. Kaya laking pasasalamat kong muli sa Diyos na hindi pumasok ang tatlong lalaki sa CR at gawin sa akin ang nais nila.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024