VII. ASH
Nang mag-ring ang bell ay niligpit ko ang mga gamit ko at saka tumayo. Gusto ko na kasing pumunta sa cafeteria para kumain dahil gutom na ako.
"Ash, mauna ka na sa cafeteria. May dadaanan lang kami ni Raiza." Sabi ni Criza.
"Okay." Sagot ko na lang dahil gutom na gutom na ako.
Hindi kasi ako kumain kanina ng breakfast namin. Tanging kape lang ang ininom ko. Pampa-wala ng hangover. Pero mukhang mas sumakit ang ulo ko ngayon. Must be because I'm hungry at sa pag-iisip ng kung ano-ano kanina.
Pagdating ko sa cafeteria ay inilibot ko ang paningin ko para makita ko if may vacant pa bang table at imbis na vacant table ang makita ko ay isang lalaking akala mo aso kung maka-ngiti.
"Dito ka na umupo!", Sigaw niya kaya lumapit ako at umupo sa tapat niya.
"Anong problema mo?", Bungad kong tanong sa kaniya.
"Ang ganda ng bungad mo ah." Biro niya.
"Nakangiting aso ka kasi." At natawa siya.
"What do you want to order?", At lumaki ang mata ko sa tanong niya.
"Libre mo?", Tanong ko.
"Oo na, para sa mabait kong pinsan." Sagot niya.
"Ayy mabait lang?"
"Bakit maganda ka ba?", At sinamaan siya ng tingin.
"Lumayas ka sa harapan ko, baka masaksak lang kita." Sabi ko. Bad trip na nga ako eh, gutom at masakit ang ulo ko. Tapos aasarin pa ako ng abno na 'to.
"Ito naman hindi mabiro. Oh sige anong gusto ng mabait at maganda kong pinsan? Sabi kasi ni Kuya Travis kanina nag-kape ka lang daw."
"Inaasar niya kasi ako." At natawa siya. "And hangover sucks." At natawa siya.
"Isang kanin, tapos isang order ng Beef Steak, isang Coke, dalawang Burger at isang Orange Juice."
"Ang dami naman, mauubos pera ko niyan."
"Galing na sa'yo na libre mo at isa pa wala akong breakfast remember?"
"Oo na. Yaman-yaman niyo eh. Tapos ako pa manlilibre."
"Thank you. At aba, parang hindi kayo ang may-ari ng school ah." Sabi ko at umalis na siya sa harapan ko. "Samahan mo na din pala ng Baked Mac!", Sigaw ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Stanley pero binigyan ko lang siya ng isang pagkatamis-tamis na ngiti. At saka naglakad na siya papunta doon sa counter para mag-order.
Si Stanley talaga napaka-abnormal. Kalalaking tao, abnormal. Akala mo kinulang sa buwan eh. Hindi naman ganiyan ang Mommy at Daddy niya. Tsh. Matanong nga si Tito James at Tita Ryza kung saan nag-mana ng ka-abnormalan ang anak nila.
Oh di kaya... Ampon si Stanley?
Talino ko talaga. Maasar nga iyon mamaya.
Habang naghi-hintay ako ay inilagay ko muna ang air pods sa magka-bilaang tenga at nagpa-tugtog.
So I cross my heart
And I hope to die
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024