LIV. ASH
Buong araw lang akong natulog dito sa isang kuwarto. Actually ay hindi naman ako totally tulog. Nakapikit at pinipilit lang matulog. Kanina pa rin pabalik-balik dito sa kuwarto ko si Samuel. Siguro kasi ay hinihintay niya ako na magising. Which is gising naman na talaga ako.
Hapon na ngayon at kaninang umaga pa ako nagising. At kahit na ganoon ang nangyari, hindi ako nakaramdam ng kahit anong gutom. Parang 'yong gutom ko ay umalis sa sistema ko dahil alam nila na hindi ako kakain. Kahit sumakit pa itong tiyan ko sa gutom ay hindi pa rin ako kakain. Tutal naman ay masakit itong katawan ko, idamay niyo na rin itong tiyan ko. Idagdag niyo na rin na ang sakit nitong kalooban ko. Alam niyo kung bakit? Iyong baliw kasi na Adrian na iyon ay paasa. Paasa siya! Isa siyang malaking paasa! Nakaka-panggigil, nakaka-galit, nakaka-sakit, nakaka-lungkot ang ginawa niya sa akin. Pinaasa niya ako. Lakas ng loob mangako, hindi naman pala niya tutuparin. Lakas ng loob niya mangako na paggising ko ay nasa tabi ko siya. Tapos biglang paggsinh ko, nasa ibang lugar na pala ako. Nasa ibang lugar na wala siya. Kundi iyong Samuel pa na 'yon ang makikita ko. Psh. Nakakagalit talaga. Kung hindi lang masakit itong katawan ko ay malamang nakaalis na ako sa pesteng lugar na ito. Kung ano-ano ba naman kasi ang ginawa ng mga Doktor sa akin. Tamo ngayon, lantang-gulay ako.
Pero mas masakit pa rin iyong ginawa ni Adrian sa akin. Mas masakit iyong umasa ka sa wala. Try niyo minsan, nakakapang-sakit ng kalooban. Eh sino ba naman ako sa buhay ni Adrian diba? Isang hamak lang na ex ni Adrian. Magandang ex ni Adrian. Kung may komontra, isang malaking wala akong pakialam sa inyo! Masasapak ko talaga ang lalaking iyon kapag nagkita kami.
'Yon ay kung magkikita pa kami. Magkikita pa nga ba kami? Magkikita pa ba kami kung once na malaman na gising na ako ay aalis na kami ni Samuel? Saan naman daw kami pupunta? Saan niya ako dadalhin?
Eh sila Kuya, si Stanley, si Levi, iyong mga kagrupo ko, si Adrian...
Hindi man lang sila nag-alala sa akin? Hindi man lang ba sila nag-worry kung nasaan ako? Hindi man lang ba nila ako hinanap? Hindi man lang ba sila nagtaka at wala na ako sa ospital ngayon? Hindi man lang sila nag-aksaya ng kahit ilang minuto para hanapin ako? Eh si Adrian? Hindi niya na ba talaga ako mahal? Hindi niya ba ako mahal kahit 5% man lang? Hindi ba siya nako-konsensya at hindi niya sine-save ang ex niya?
O sadyang hindi niya na ako mahal? Na hindi niya talaga ako mahal? Na hindi niya ako mahal in the first place? Na baka tulad lang siya ni Samuel. Na baka in the first place ay hindi niya talaga ako mahal? Na pinag-laruan niya lang ako? Na baka pinagla-laruan niya lang ang feelings ko? Na baka planado ang lahat. Na baka planado talaga ang lahat. Mula sa makilala ko si Adrian hanggang sa ito na ang nangyari. Na at the end of the day, pinaglaruan niya lang ako. Na ang totoo talaga ay isa siyang traydor. Katulad ni Samuel, isa rin siyang tryador.
Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa pisngi ko. Tumulo ang luha ko pero nagawa ko pa ring ngumiti. Ngumiti na akala mo baliw.
Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Masyado akong nagtiwala kay Adrian. Nagpalunod ako sa kaniya. Masyado akong nahulog sa kaniya. Sa pagkahulog kong iyon hindi ko man lang napansin na may plano pala siya. Ang tanga-tanga ko para hindi mapansin iyon. Niloko ako ni Adrian. Niloko ako ni Adrian at hindi ko man lang nabantayan iyon. What do I expect? Siguro ay sanay na siya sa ganoong gawain.
Bago pa magsunod-sunod iyong mga luha ko ja bumagsak ay pinunasan ko na iyon. Saka ako bumangon at pinahinaan ko ang aircon. Parang lumamig lalo eh. Pagkatapos ko hinaan ang aircon ay napatingin ako sa bintana na natatakpan ng puting kurtina. Saka ko naman nakita ang araw na papalubog na. And that made me realize na matatapos na ang araw na papalubog na. And that made me realize na matatapos na ang araw na ito at hindi man lang nila ako nahanap. Wala man lang naghanap sa akin.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024