XXXVIII. ASH
Mabilis naman kaming nakarating sa labas ng bahay namin. Mabuti na lang at hindi traffic sa highway. At kung traffic man ay lalo akong magagalit at maba-bad trip dahil may mga saksak ang mga kagrupo ko ngayon. Wala akong pakialam kahit pa habulin kami ng mya pulis dahil ang bilis-bilis kong magpa-takbo.
Ano pa bang pakialam ko sa mga iyon kung naririnig ko silang napapadaing sa sakit na natamo nila doon sa pesteng Violet Claws na iyon.
Kapag talaga gumaling agad ang saksak na natamo ko mula sa kanila ay gagantihan ko sila. Sa underground man o hindi.
Itong mga ka-gang ko kasi ay hindi ko lang basta ka-gang. They are my friends, my sisters, my family. At kung sino man ang gumawa ng masama sa kaniya, tiyak na mayayari ang mga iyon sa akin.
Kung ako nga ay napapamura na sa sakit. Kamusta pa kaya sila Criza na may mga saksak na nga, pagod pa ang katawan. Tiyak sila ang mas nahihirapan kaysa sa akin.
Bumaba ako at saka dali-daling tumungo sa kabila upang pagbuksan ng pinto sila. Kaagad din namang tumayo sila Cathy, Tony at Raiza upang tulungang tumayo sila Criza.
"Dumiretso na kayo sa Guest Room." Dahan-dahang sabi ko. Tumango naman sila Raiza. At saka sila pumasok sa bahay.
Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa at di-nial ang number ni Doc.
Kung nagtataka kayo kung bakit dito kami nagpunta imbis na sa ospital upang tahiin ang mga saksak namin. Well we have a Private Doctor. Mas maganda iyon dahil sa Ospital ay marami nang pasyente na tipong hindi na malalaman ng Doctor kung sino ang uunahin nila.
Pagtapos kung tawagan upang papuntahin dito si Doc ay tinago ko sa bulsa ang cellphone ko at dahan-dahang naglakad papasok sa gate.
Dahan-dahan lang akong naglalakad dahil ang hapdi at ang sakit doon sa tagiliran ko kapag naglalakad. Nagagalaw kasi siguro siya kaya masakit. Naka-hawak din naman ako sa sugat kong iyon dahil dumadami na ang dugo sa T-Shirt ko.
Baka maubusan ako ng dugo kaya madiin ko iyong hawak-hawak kahit na masakit kapag hina-hawakan. Wala akong choice kundi hawakan iyon, mauubusan nga kasi ako ng dugo.
Pinihit ko ang door knob at nakita ko si Adrian na nakatayo sa harap ko. Worried siyang nakatingin sa akin.
Hindi ko na lang sana siya papansinin at lalagpasan na lang siya.
Pero ewan ko ba, tila ba lalo akong nanghina. Tila ba hindi na kaya ng mga paa ko ang humakbang. Tila ba ang nandidilim ang mga paningin ko.
Tila ba unti-unti akong nawawalan ng lakas.
"Adrian..." I said that word bago pa ako tuluyang mawalan ng balanse at nandilim ang paligid ko.
🖤🖤🖤
Nagising na lang ako sa isang kuwarto na may maroon ang kulay na background which is kuwarto ko pala iyon.
Nakatingin lang ako sa ceiling dahil iniisip ko kung paano ako napunta dito sa kuwarto ko. Dahil base on my memory, pagkapasok ko sa pintuan kanina ay nasa harapan ko si Adrian at... At... At hanggang doon na lang ang naaalala ko. Nawalan nga kasi kaagad ako ng malay diba? Yata?
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024