That Same Old Friends

0 0 0
                                    

XXV. ADRIAN


Habang yakap-yakap ko si Ysabel ay tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa. Iyong tunog na iyon, hudyat na may tuma-tawag.

Kinuha ko naman ang cellphone at nakita kong si Daddy ang tuma-tawag.

"Hi Dad." Sabi ko sabay hawak ko ng kamay ni Ysabel. Napatingin naman siya sa akin nang marinig niyang mag-salita ako. I smiled to her saying that everything will be okay. Ngumiti naman siya kaya ni-loudspeker ko ang cellphone ko.

(Nasa school ka pa ba?)

Natawa si Ysabel nang marinig iyon kay Daddy. Natawa siya sa itinanong ni Daddy, wala na kasi ako sa school kanina pa. Kaya natawa na lang ako nang makita ko siyang tumawa.

(After mo sa school, dumiretso ka dito sa bahay nila Tita Sabrina mo. Makikiramay tayo.)

"Yes Dad. Diretso na po ako diyan."

(Sige mag-iingat ka.) At kaagad na pinatay iyon ni Daddy.

Kung alam lang ni Daddy na nandito ako sa bahay nila Tita Sabrina kanina pa, kaso hindi eh. Hindi ko na din natanong kung sino ang namatay para maki-ramay kami, dahil alam kong si Tito Edwin iyon. Sinabi ni Ysabel awhile ago eh.

Hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin para hindi na masyadong malungkot si Ysabel after what happened today. Pero dahil ganoong bagay ang nangyari sa kaniya- sa kanila. I don't think na may magagawa ako to ease their pain. Maipa-pangako ko lang na nasa tabi lang ako palagi ni Ysabel.

"Kilala mo si Mommy?", Tanong ni Ysabel sa akin nang may kunot-noo.

"Oo?", Patanong kong sagot.

"Kailan pa?", Tanong naman niya pabalik.

"No'ng birthday ng Mommy mo." Sagot ko at tumango naman siya.

"Kaya pala nandoon ka sa birthday ni Mommy?", Tanong naman niya. "Inin-vite ka niya?"

"Sinama lang ako ni Daddy." At kaagad na lumingon sa akin si Ysabel na may kunot-noo ulit.

"Magka-kilala si Mommy at Tito David?", Tanong niya pa na animo'y gulat na gulat siya na malamang magka-kilala ang Mommy niya at si Daddy.

Ayaw niya ba niyon? Magkaka-kilala na ang nga magulanh namin? Mga in laws in the future? Hindi na ako masyadong mahihirapang ligawan sila upang hingin ang kamay ni Ysabel pag-dating ng panahon.

"Paano nangyari yon?", Kunot-noong tanong na naman ni Ysabel at animo'y nag-iisip kung paano nagka-kilala ang Mommy niya at Daddy ko.

"Ninang ko kasi ang Mommy mo." Sagot ko at bumalik ang tingin niya sa akin. "At no'ng birthday ng Mommy mo, doon ko lang nakita at nakilala ang Mommy mo." At natawa ako.

Hindi ko nga alam kung bakit ganoon eh. Ninang ko siya tapos unang beses ko pa lang siyang nakikita. Siguro nakita ko na siya noong bata pa ako. At hindi ko lang maalala.

Tuwing birthday ko naman ay laging may regalo akong natatanggap mula kay Tita Sabrina, pero regalo lang. Pero si Tita Sabrina, wala. Sabi naman ni Daddy ay busy lang ito kaya hindi nakaka-dalo sa birthday ko.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now