That Same Old Office

0 0 0
                                    

XLII. ASH


Hawak-hawak ako ng Guard ngayon pero pumi-piglas ako dahil inilalayp nila ako kay Adrian. Sa Adrian na bumaril sa Kuya ko.

Tila ba siya lang ang nakikita ko ngayon sa paligid. At gusto ko pa siyang saktan dahil sa ginawa niya kay Kuya Travis.

Animo'y nawala ang pagmamahal na natitira ko para sa kaniya. Tila ba napalitan ng galit at pagkamuhi ang pagmamahal ko kay Adrian.

"Let me go! I need to kill that bastard!", sigaw ko habang pumi-piglas pa rin sa dalawang Guard na naka-hawak sa magkabilaang braso ko.

"Ano ba!", sigaw kong muli pero tila ba bingi ang mga Guard kaya hindi nila ako binitawan. Kaya ang ginawa ko ay sinipa ko ang mga tuhod nila kaya napaluhod sila at nabitawan ako. Kaagad naman akong tumakbo sa puwesto ni Adrian upang bugbogin siya ulit dahil hindi pa humuhupa ang galit ko sa kaniya. Dahil sa ginawa niya kay Kuya Travis. Dahil sa pagbaril niya kay Kuya Travis.

Pero bago ko pa man siya masuntok ay pumagitna na sa amin si Levi.

"Ysabel that's enough. Masyado mo ng nasaktan si Adrian." At dahil doon sa sinabi ni Levi ay lalong nag-init ang ulo ko.

Masyado ko raw nasaktan? Aba malamang! Binar niya ang kapatid ko eh. At bilang kapatid niya dapat ko siyang gantihan ang bumaril sa kaniya.

"Levi tumabi ka diyan kung ayaw mong madamay." Seryosong sabi ko pero hindi ako pinakinggan ni Levi kaya kinuyom ko na ang kamao ko at susuntukin ko na sana silang dalawa nang bigla na lamang hawakan ni Stanley ang braso ko. Habit niya yata ang humawak sa braso ko ngayon?

"Pinapatawag tayong lahat ni Daddy." Sabi niya saka humarap siya sa akin. "Let's go Ysabel." Pero hindi ko siya pinakinggan dahil matalim pa din akong nakatingin kay Adrian.

Malungkot pa siyang nakatingin sa akin.

At bakit siya nalulungkot ngayon?

Wala siyang karapatan na maging malungkot. After what de did ay malulungkot siya?

Isa ba siyang gago?

"Halika na Ysabel." At nagpadala na lang ako sa panghihila ni Stanley sa akin.

Wala na si Kuya Travis sa sahig ng tingnan ko ulit ang puwesto ng pinaghigaan niya. Baka nasa clinic na siya sa mga oras na ito. Pero baka sa ospital na iyon dinala dahil sa tama ng baril.

Pero bumalik ang tingin ko sa pinag-higaan ni Kuya Travis at kumunot ang noo ko ng makitang walang dugo doon.

Walang bahid ng dugo doon. Kahit na kaunti. Kahit na isang patak ng dugo ay wala.

Don't tell me, nalinis na agad iyon ng Janitor?

Gusto ko sanang itanong iyon kay Stanley pero hindi ko na tinuloy dahil galit ako sa mga oras na ito at baka kung ano lang ang masabi ko sa kaniya.

Hawak-hawak pa din ako ni Stanley patungo sa Dean's Office at habang naglalakad kami sa hallway ay nakatingin sa amin ang mga estudyante. At kami naman ay parang mga preso. May kasama pa kaming Guard. Psh.

Napapalibutan kami ng mga Guard. Kulang na lang ay may tig-iisa kaming posas. Bukod lang kay Stanley dahil mahigpit niya aking hinawakan sa kanang braso ko.

Mukha ba kaming kriminal?

Yong isa dito ay kriminal.

Maabangan nga iyon mamaya sa labas ng university.

Kailangan ko ding malaman kung bakit niya binaril si Kuya Travis. Bakit niya binaril si Kuya Travis just for the sake of Murderous Aces?

Dahil ako? Hindi ko alam kung bakit iyon ginawa ni Adrian. Bukod sa traydor si Adrian. Hindi ko na alam.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now