That Same Old Kiss

0 0 0
                                    

LII. ADRIAN


(I think someone is following us...)

Napatingin ako sa rear view mirror na nasa loob nitong kotse at sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang itim na kotse na para nga yatang sumusunod sa amin.

Dumagdag pa tuloy sa isipin ko kung sino ang nakasakay sa itim na van na iyon.

Sino naman bang tao ang trip na sundan kami? Ano namang meron at sinusundan kami? Psh.

Panira naman ng plano 'tong isang 'to. Dagdag problema para hindi makita si Ysabel. Hindu ba puwedeng bukas na lang? O sa mga susunod na araw?

Ako kasi ang nasa huling pila ng kotse dito sa highway nagda-drive. We goes by two's, katabi kong nagda-drive sa kanan ko si Henry. Sa gitna naman ay sila Caleb at Ethan. Sa unahan naman ay sila Stanley at William. Siyempre nandoon si Stanley sa unahan dahil siya ang magtuturo kung saan ang hideout nila Kuya Travis.

Pero ewan ko ba at ang layo na nga ng kotse ni Stanley ay nakita pa niya itong sumusunod sa amin.

(Sigurado ka bang sumusunod sa atin 'yan? Baka hindi naman.)

Narinig kong sabi ni Ethan. Oo ngs, baka hindi talaga sumusunod ang isang 'yon. Highway ito kaya marami talagang mga kotse dito. Magtaka ka kung wala.

(I have a bad feeling with that car.) Sagot naman ni Stanley.

Bumalik ang tingin ko sa kotseng sumusunod nga raw sa amin.

Nararamdaman ko ring parang sinusundan nga niya kami ng itim ng kotseng iyon. Kung ganoon, bakit niya kami sinusundan? Anong kailangan ng kung sino mang taong 'yan sa amin?

(Mauna na kayo Adrian. I'll look for that car.)

"Hindi Stanley. Mauna na kayo. Ako na ang bahala sa kotse." Sabay hinga ko ng malalim.

(No Adrian, ako na ang bahala diyan. Mauna na kayo. Magagalit si Ysabel kapag may nangyaring masaba sa'yo.) At natawa ako sa sinabi ni Stanley.

"I know Stanley. Pero gusto ko ring malaman ni Ysabel na hindi ako traydor. Na hindi na ako kailangan protektahan." At si Stanley naman iyong natawa.

(Don't be a hero Adrian. Mas lalong maghi-higanti si Ysabel kapag napahamak ka...) Natawa naman muli ako.

"Basta mauna na kayo. I'll handle this."

(You sure? Samahan na kita.) Sambit ni Caleb.

(Isama mo na si Caleb, Adrian. Para may kasama ka.) Si Stanley.

"Okay fine."

(Tawagan mo na lang kami kapag may nangyaring hindi maganda, Adrian.) Dugtong naman ni Ethan.

"We will."

(Sige, Adrian. Mag-iingat kayo.)

Saka pinatay ni Stanley ang tawag. Napatingin naman ako kay Henry at nag-tangoan saka siya naunang nag-drive. Lumiko sila sa kanan at kaming dalawa naman ni Caleb ay nagpa-tuloy sa pagda-drive.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now