That Same Old Samuel

0 0 0
                                    

LXIII. ASH




Bumangon ako sa banig na hinihigaan ko dito sa kuwarto dahil narinig ko ang sunod-sunod na mga pag-katok. Baka si Stanley at Adrian na iyon. Umuwi na sila mula sa palengke dahil hinatid ang mga isda na nahuli para itinda nila Lacey at Tita Teresa. Isama mo na si King na gustong-gusto magpabuhat kay Lacey. Nami-miss siguro ni King ang Mama niya.

Hindi ko maiwasang hindi mainis dahil ang lakas na naman ng trip ni Stanley. Kay aga-aga, maka-katok akala mo ay mag pagtataguan.

"Sandali." Sabi ko sabay lakad papuntang sala at papuntang pinto.

Kapag nabuksan ko talaga iyong pinto. Iuuntog ko si Stanley sa pintuan. Makakatok akala mo gigibain na ang pinto eh.

Pero habang naglalakad ako papunta sa pinto ay bigla kong naramdaman ang pagtibok ng puso ko na sobrang bilis. Pakiramdam ko ay para bang may masamang mangyayari.

Agad-agad na lumitaw ang mukha ni Adrian sa aking isipan na lalong nagpakabog ng aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag pero tila ba gusto nang lumabas ng puso ko mula sa aking dibdib dahil ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

Wala naman sigurong masamang mangyayari 'no? Walang masamang mangyayari sa amin nila Adrian at Stanley.

Sana ay wala...

Pinihit ko ang door knob at tila ba napahinto ako nang makita ko ang isang babae sa aking harapan. Nakita ko ang babae na tinakasan namin nila Adrian sa Maynila.

Nasa harap ko ang babaeng may gusto kay Adrian. Sa mahal ko. Sa asawa ko.

Bago ko pa man maisarado ang pinto ng bahay ay biglang itinutok sa akin ni Olivia ang baril.

"Just try to close this door at mapapahamak si Adrian." Napalunok ako sa aking kinatatayuan nang banggitin niya si Adrian.

Shit. Si Adrian. Ayoko siyang madamay. Ayoko siyang mapahamak.

"What do you want?", matapang kong tanong.

May baril si Adrian diba? Saan niya kaya nailagay iyon nang magamit ko naman. Nang makaganti ako sa babaeng nasa harapan ko. Magantihan ko sana ang babaeng ito dahil sa pambu-buwesit sa akin nito noong nasa bahay pa ako ni Samuel.

Ngumiti muna si Olivia bago sumagot.

"Labas." At bumalik sa pagkaseryoso ang mukha niya.

"At bakit ako susunod sa'yo?"

"Lalabas ka o papuputukan ni Samuel ang pinakamamahal mong si Adrian?", walang ano-ano ay tinulak ko siya at lumabas ng bahay.

Wala na akong pakialam kung malakas ba ang pagkakatulak ko kay Olivia. Wala na rin akong pakialam kung sumubsob siya sa buhanginan. She deserves it naman. Makaganti man lamang ako sa pambu-buwesit niya sa akin sa Maynila.

Ang importante ngayon ay si Adrian. Hindi siya puwedeng mapahamak. Hindi siya puwedeng madamay sa gulo namin.

Pero paano nila nalaman na nandito kami? I know they have connections pero kanino nila nalaman kung nasaan kami?

Shit! Kahit anong layo pa yata namin ay mahahanap pa rin nila kami.

Inilibot ko ang paningin ko sa lugar at nakita kong walang tao. Para bang ang mga tao ay nasa loob ng bahay.

Bakit? Aning nangyayari?

Napatingin ako sa likuran ng bahay at nakita ko si Stanley at Adrian na nakaluhod sa buhanginan. Nasa likuran ang dalawa nilang kamay na animo'y nakatali. At may mga lalaki sa likuran nila.

"Adrian..." Bulong ko sa aking sarili dahil nakita ng aking dalawang mata ang nakapikit at putok na labi ni Adrian. Idagdag mo pa na marami nang pasa ang mukha ni Adrian. Pati si Stanley ay marami ring pasa.

Paano nangyari 'yon? Papaanong hindi ko narinig ang gulo? Papaanong hindi ko narinig ang mga daing nila?

Shit!

Nag-alab naman ang galit ko nang biglang lumapit si Olivia sa gilid na nakapikit na si Stanley. Pagtapos niyon ay nakangising tumingin sa direksyon ko.

"Sino ang ililigtas mo ngayon Ash?!", sigaw ni Olivia.

Pero hindi ko siya nagawang sagutin dahil patuloy sa pagtulo ang luha ko.

Iniisip ko kung bakit kami umabot sa ganito. I mean alam kong dadating kami sa araw na ito. Pero hindi sumali sa aking isipan na madadamay dito si Adrian. Hindi sumagi sa isipan ko na madadamay sa gulong ito si Adrian. He's in front of me. Nakaluhod sa buhanginan. Nakatali ang dalawang kamay sa likuran. Putok ang labi. May pasa sa magkabilaang-pisngi. At may mga dugo sa kaniyang mukha.

Pareho sila ng sinapit ni Stanley ngayon sa harapan ko.

"Choose wisely, Ysabel." Dahil sa boses na iyon ay napatingin ako sa aking kanan.

At tila ba nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makita ko si Samuel. Nakangiti sa akin si Samuel. Isa siyang genuine na ngiti pero hindi ako maniniwala sa ngiti niyang iyon. That smile betrayed me.

Umurong ang mga luha kong bumagsak mula sa mata ko nang makita ko si Samuel.

Ang natitiyak ko na lang ngayon ay siguradong may mangyayaring masama sa amin dito. But I won't let that happen. Ngayong sila naman ang nasa kapahamakan ngayon ay ilalayo ko sila. Ililigtas ko sila.

Pero paano? Paano ko sila maliligtas knowing na maraming kasama si Samuel nang magpunta sila rito?

Wala rin akong baril. Kahit kutsilyo ay wala. Kaya ano ang puwede kong gawin para mapatumba sila?

Shit! Ysabel. Isip. You need to function right now.




That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now