That Same Old Questions

0 0 0
                                    

XXVIII. ASH



"What the hell?", Rinig kong tanong ni Raiza pagtapos kong ikuwento ang lahat sa kanila. Mula sa may napansin akong mga naka-itim na lalaki at namaril sa bahay ni Caleb. Hanggang sa sundan ko ang mga lalaking iyon. At hanggang sa makita ko si Adrian sa malaking bahay na iyon.

"Hindi mo ba alam kung kaninong bahay iyon?", Tanong naman ni Daniella.

"Hindi. At hindi rin pamilyar ang bahay na iyon sa akin." Sagot ko naman sabay inom ng red wine na dala ni Nel. Akala niya siguro ay magpa-party kami kaya pinatawag ko silang lahat kaya may dala siyang ganoon. But sorry to her, pina-punta ko sila dito upang pag-usapan ang mga nakita ko earlier.

Not to party, maybe later?

Nandito kami sa veranda ng kuwarto ko, as you can see and hear. We are talking about what happened an hour fucking ago. Mabuti nga at dumating sila ng mga ilang minuto pagtapos kong dumating dito sa bahay. Ayoko kasing mag-hintay ng sobrang tagal lalo pa at parang pagod na pagod ako pag-uwi ko dito sa bahay.

Hindi ko alam kung bakit parang pagod na pagod ako ngayong araw eh wala naman akong ginawa buong araw o kaya naman ay hindi ako nag-buhat ng mga mabibigat na bagay.

Kaya bakit ako napagod? Maybe the stress?

Pero hindi iyon ang concern ko. May iba akong problema ngayon na alam kong isa man sa amin dito ay walang makakasagot o makakapagbigay mg solusyon.

"So kung ganoon, kanino ang bahay na iyon?", Tanong naman ni Criza.

"At bakit nandoon sa bahay na iyon si Adrian?", Tanong naman ni Kyline.

"Pero malay mo naman Ash, bagong bahay nila iyon?", Sambit ni Cathy.

"It's not their house. And I don't care kung kaninong bahay iyon. What I care is bakit nandoon si Adrian." Inis kong tanong sabay lapag ng baso sa maliit na mesa na nasa gitna namin.

"Wala bang nasabi sa'yo si Adrian about dito?", Rinig kong tanong naman ni Yna.

"Nothing." Sagot ko agad.

"Balik tayo sa umpisa, sino ang mga namaril sa bahay ni Caleb? Nakaka-siguro ka bang sila Aries at Samuel ang may gawa n'on?", Tanong naman ni Lorie.

"Wala ng ibang puwedeng gumawa n'on bukod sa kanila." Inis kong sagot.

Naiinis ako. No! Nagagalit ako sa mga tanong namin na walang mga sagot. Psh.

Saan at kanino ako maghahanap ng sagot para masagot ang mga tanong namin.

"Malay mo iba? Malay mo may galit sa kanila ang may gawa n'on at nadamay lang kayo nila Criza?", Sambit na naman ni Lorie.

"Tinanong ko si Caleb at sinagot niyang wala. Kaya wala!", Halos pasigaw ko ng sagot.

Sa sobrang galit ko. Sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon ay any minute ay baka sumabog na lang ako bigla.

Bago pa man ako sumabog ay naglagay ako ng red wine sa baso ko at uminom agad. To ease my anger.

"Easy lang Ash. Hindi natin kailangan mag-away-away dito. Nandito tayo para mag-usap." Pumagitna naman sa amin si Jasmine.

As if I care kung mag-away-away kami? And as if nag-aaway kami nitong si Lorie. We're just talking. Pasigaw nga lang, but we're just talking. That's all.

Nakita ko namang natawa si Lorie.

"We're good right?", Natawa naman ako sabay taas ng baso na ang ibig sabihin ay okay kami.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now