That Same Old Love

0 0 0
                                    

LXV. ADRIAN



Malamig ang simoy ng hangin ang nararamdaman ko nang makarating kami sa resort nila Tito Maclen na kaibigan ni Daddy dito sa Pangasinan. Dito kasi napag-pasyahan ni Daddy na i-celebrate ang pasko at ang New Year. Okay lang naman sa akin dahil ito pala ang probinsya ni Daddy at ni Mommy. Dito ang probinsya nila pero ngayon ko lang napuntahan. Okay lang naman sa akin pero medyo malungkot dahil hindi ko kasama si Ysabel ngayong pasko at sa pagbabago ng taon. Ito sana ang first time namin i-celebrate ang dalawang okasyon nang magkasama. Pero okay lang, mabilis lang naman lumipas ang araw at magkakasama naman kami ulit.

Napaupo ako sa isang cottage na tinuro ni Daddy dito sa resort dahil ayoko namang tumayo lang dito sa resort. Edi nagmukha akong tanga doon diba. Isa pa nilagay ko din ang dala-dala kong bag sa upuan. Nakita ko pa na may mga bag din ang nandito sa cottage. Hindi ko lang alam kung kanino ito. Napabuntong-hininga ako dahil medyo napagod ako sa byahe. Ayon nga eh, hindi ko alam kung bakit ako napagod eh ang driver naman ni Daddy ang nag-drive.

Pero magtatanong pa ba ako kung alam kong bakit ako parang pagod na pagod. Namimiss ko kasi si Ysabel. I know, I know. Lagi ko na lang siyang namimiss. Well ano bang magagawa ko? Eh namimiss ko ang taong mahal ko. I told Ysabel na sumama siya rito sa Pangasinan dahil kilala naman na siya ni Daddy. Pero hindi siya sumama, dahil may pupuntahan daw ang family nila. Doon daw ise-celebrate ang pasko at New Year. Hindi ko naman magawang magtampo sa kaniya dahil 2 weeks pa lang ang nakakalipas mula nang makauwi si Tita Sabrina rito sa Pilipinas. At alam kong namimiss ni Ysabel ang Mommy niya.

So where do I start explaining things?

Nang maihatid ko si Ysabel sa ospital ay hinihiling ko na sana ay walang nangyaring masama kay Ysabel. Hindi ko kasi alam kung bakit dinudugo siya. Iyong dugo na sobrang dami. Sobrang pag-alala ang nararamdaman ko n'on. Kaya kahit ang sakit ng katawan ko ay agad-agad na nilapitan ko ang nakahiga at nanginginig na si Ysabel. Binuhat at dinala sa kotse na itinuro sa akin ni Kuya Travis. Nagulat pa ako dahil nasa kotse sila Jasmine at Kyline. Hindi raw sila puwede makipagbasag-ulo dahil magkakaroon sila ng galos. Hindi raw puwede iyon dahil lalaban pa sila sa pageant ng university.

Nang madala naman namin si Ysabel sa ospital ay sinabi sa amin ng Doktor na kung hindi pa namin nadala kaagad si Ysabel ay tiyak na mauubusan talaga ng dugo si Ysabel. Paano ba naman hindi madadala agad eh ang bilis ng harurot ni Kyline. Mukhang nasa race siya sa sobrang bilis ng takbo ng kotse. Mukhang ako ay magkakaroon ng heart attack. Pero wala na akong pakialam kung magkakaroon pa ako ng heart attack basta dala ko kaagad si Ysabel sa ospital bago pa may mangyaring masama sa kaniya.

No'ng lumabas naman ang Doktor ay napag-alaman naming tatlo na nagalaw ang tiyan ni Ysabel kaya nagdudugo siya. Magtatanong pa sana ako kung bakit pero agad-agad na sinabi ng Doktor na may laman ng bata ang tiyan ni Ysabel.

Hindi na ako nagulat doon dahil alam na naming dalawa ang magiging consequences ng actions naming dalawa. Na dahil sa isang pangyayari ay nagawa namin iyong dalawa. Wala naman akong pinagsisisihan doon. Handa ako sa nakaatang na responsibilidad dahil ako ang may kasalanan. Hindi ako nakapag-pigil ng sarili ko. Hindi ko napigilan ang init ng aking katawan.

Pero ang ikinabigla ko ay iyong sinabi ng Doktor na kaya pala dinudugo si Ysabel ay nalaglag ang magiging baby namin. At kung hindi pa namin naipadala si Ysabel sa ospital ay baka si Ysabel ay sumunod din.

Namutawi sa akin ang galit. Galit sa Murderous Aces dahil sila ang may kasalanan sa pagkawala mg magiging baby namin. At kahit gantihan ko pa ng sobra-sobra ang Murderous Aces ay hindi rin niyon mapapantayan ang galit na nararamdaman ko. Dapat din silang mamatay katulad ng ginawa nila sa anak ko.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now