Chapter 48: Peligro

59 1 0
                                    

CHAPTER 48: Peligro

HAZELYN'S P.O.V.

"HINDI ka ba nababahala na baka gumanti si Tiffany sa'yo dahil sa ginawa mo sa kanya kanina o baka may gawin siyang hindi masama sa'yo na msas ikalagay mo sa peligro." sabi ni Jerome habang kumakain kami ng lunch sa restaurant na malapit sa university.

"Huh! Siya pa ang may galit sa akin, siya nga itong sinungaling at may balak na ipaako sa'yo ang anak niya sa kalandian niya sa iba. Tama lang ang ginawa ko dahil kung hindi ko iyon gagawin, malamang hindi siya titigil sa paghahabol at panggugulo sa'yo...sa atin." nakataas ang isang kilay na sabi ko.

"Aisst! Oo, tama ang ginawa mo pero ang point ko ay sana kinausap mo ng mahinahon." sabi ni Jerome na ikinatingin ko sa kanya bago binaba ang mga hawak kong kubyertos at pinunasan ang bibig ko gamit ang table napkin.

"Tingin mo madadaan sa mahinahong usapan ang babaeng iyon? Hindi dahil ang babaeng iyon ay obsessed sa'yo! At isa pa, kahit kausapin ko siya ng mahinahon, mapupunta rin sa ganoon ang usapan namin." sabi ko na may halong pagkapikon dahil sa paraan niya ng pakikipag-usap sa akin ay pakiramdam ko ako ang may mali at kinakampihan niya ang babaeng iyon na sinungaling. "Aisst! Bakit parang kinakampihan mo siya o baka nga gusto mo pang makipagbalikan sa kanya?" naiinis na sabi ko na ikinaikot ng kulay abong mga mata niya.

"Ang kulit mo talaga, hindi ko nga siya babalikan. Hindi ko na babalikan ang mga bagay na iniwan at tinapon ko na. At hindi ko siya kinakampihan." seryosong sabi ni Jerome bago napabuntong-hininga. "Huwag na natin siya pag-usapan. Hindi ko na lang aalisin ang paningin ko sa'yo para hindi siya makalapit at maprotektahan kita sa kanya kung sakaling may gawin siyang masama sa'yo." seryosong sabi ni Jerome bago nagpatuloy sa pagkain na ikinatitig ko sa lalaki.

"Baka kaya mo ako gustong protektahan dahil last option mo ako para makuha ang mana. Ayaw mo akong mapahamak dahil hindi mo makukuha ang mana kapag nawala ako." napaseryosong sabi ko na ikinatigil niya sa pagkain bago napatingin sa akin na seryoso ang awra.

"Hindi ka option lang dahil ikaw lang ang nag-iisang choice." seryosong sabi niya.

"At never ako magiging second choice, it's either pipiliin mo ako o mawawala ako." seryosong sabi ko na ikinatitig niya sa akin.

"Ikaw ang pipiliin ko dahil ayokong mawala ka sa akin." seryosong sabi niya na ikinatitig ko sa lalaki.

He really changed. Mas gusto ko ang Jerome ngayon dahil mas naramdaman ko na importante ako sa buhay niya.

*****

LUMABAS kami ni Jerome ng restaurant pagkatapos naming kumain at bayaran ang bills ng in-order namin. Habang naglalakad kami ni Jerome pabalik sa university ay May biglang huminto na puting van sa gilid namin at may bumaba na mga lalaking may takip sa mukha.

May dala silang mga baril at tinutok sa aming dalawa ni Jerome. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil kapag nagkamali kami ay papatayin nila kami o kapag hindi namin sila sinunod sa gusto nila.

"Sakay!" utos ng lalaking may hawak sa akin. Napatingin ako kay Jerome na hawak rin ng isang lalaki at tumango siya sa akin na senyales na sundin ang utos ng lalaki.

Akmang sasakay na ako sa van ng pigilan ako ni Jerome palayo bago niya sinuntok ang lalaking may hawak sa akin. Gumilid ako para hindi matamaan ng palitan ng suntok ni Jerome at ng mga lalaki. Umatras ako nang umatras dahil iyon lang ang tanging magagawa ko para humingi ng tulong pero nabunggo ako sa matigas na bagay at paglingon ko ay halos mapasigaw ako sa gulat ng makita sa harap ko ang isa sa lalaking gustong kumuha sa amin ni Jerome.

"Saan ka pupunta?" malalim ang boses na sabi ng lalaki na ikiaatras ko at akmang tatakbo ng hawakan ako ng lalaki sa braso.

"Bitawan mo ako." sabi ko at pilit na tinatanggal ang pagkakawak ng lalaki sa braso ko pero lalo lang niyang hinigpitan na ikinaigik ko ng makaramdam ng sakit sa sobrang higpit ng pagkakahawak ng lalaki sa akin na halos wala ng dumadaloy na dugo sa braso ko.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon