CHAPTER 54: Her Eyes
JEROME'S P.O.V.
KANINA pa ako nandito sa SSC Office. Hinahantay ko si Hazel, hindi na kasi siya bumalik kahapon at wala rin siya sa mansion o hindi rin siya umuwi kagabi. Ewan ko kung bakit wala pa siya ngayon dito. Ang pagkakaalam ko ay hindi naman siya nale-late, siya pa nga ang unang dumadating dito.
Napatayo ako sa gulat nang may padabog na bumukas sa pinto ng SSC Office at pumasok si Kath na matalim ang mga matang nakatitig na lumapit siya sa akin.
"Kath, nakita mo ba si Hazel? Kanina--" Hindi ko na natuloy ang dapat nasasabihin ko nang mabigla ako sa ginawa niya.
What the hell?
Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya at napahilot ako sa panga ko kasi pakiramdam ko na-dislocate ito sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.
"Kath?" nakakunot ang noong tawag ko sa kanya nang lingunin ko siya na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
"Damn you, Jerome!" nanlilisik ang mga matang sigaw ni Kath.
Ano bang problema niya? Bakit galit na galit siya? And... She's crying.
"Kath..." naguguluhang tanong ko.
"Ano na namang ginawa mo? What stupidity have you done this time?" galit na tanong ni Kath na ikinakunot ng noo ko dahil hindi ko siya maintindihan.
"What--" Hindi niya ulit ako pinatapos sa pagsasalita dahil may inilagay siyang isang pirasong papel sa kamay ko.
Kath,
I love him... I tried to love him from afar... I tried to be his friend... I tried to make him mine... But now, I'm trying to let go.
- Hazel
"Anong ... anong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong ko kay Kath.
"Can you read? Are you really that stupid! Well I think maybe this can convince you more... Ang sabi ko sa sarili ko dati ibibigay ko na lahat sa inyo ang copy, pero tinago ko pa rin ang isa. Now watch," sabi ni Kath at inabot sa akin ang cellphone niya.
A video... A video of me and Hazel... A very familiar one.
"Hazelyn Saoirse Candelaria, alam mo ba matagal na kitang mahal? Alam ko kaibigan kita pero mahal na mahal kita. Hindi talaga ako interesado sa makipagrelasyon after what happened to my past relationship, pero nakuha mo 'yong atensyon ko. Mula noon hindi na ako uli tumingin sa ibang babae, pero may mahal kang iba, eh. Ang sakit-sakit, pero anong magagawa ko? Mahal kita, eh... Okay na 'to at least alam kong nandiyan ka pa rin sa tabi ko kahit hindi ka magiging akin."
May napansin akong isang bagay na hindi ko na pansin dati. Her eyes... Hazelyn's eyes. She's crying, and she looks broken... but then. Her eyes harden, like iyong nakita ko sa mga mata niya kahapon... Like she's hiding something.
Narinig kong nagsalita si Kath sa video. "I-Ikaw naman, Hazel." naluluhang rinig kong sabi ni Kath.
"Jerome Keann Calliego, mahal na mahal kita unang kita ko pa lang sa'yo. Sobrang mahal, pero may mahal kang iba. Kaya okay na ako sa ganito. Minsan naisip ko kung tama ang sinasabi nila, na maganda ako, mayaman, matalino at lahat daw ay nasa akin na. Lahat daw ng gusto ng mga lalaki sa babae ay nasa akin na. Naisip ko kung totoo ba 'yon, kasi bakit ikaw ay hindi mo ako magustuhan katulad ng ibang lalaki na sinasabi nila. Sana ako na lang kasi. Bakit hindi na lang ako? May kulang pa ba sa akin?"
Naalala ko tuloy iyong araw ng kasal ni Kath. After na mag-usap kami ni Kath noon. Nasa isang tabi ako noon ng simbahan at umiiyak. Tumayo ako no'n nang mag-simula ang seremonyas ng kasal. Pumunta ako sa gilid ng simbahan.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...