CHAPTER 60: Vacation
HAZELYN'S P.O.V.
NAGING maganda ang itinakbo ng buhay namin ni Jerome simula nang maikasal kami dalawang buwan na ang nakakaraan. At sa loob nang dalawang buwan na iyon na magkasama kami bilang mag-asawa, naramdaman ko kung gaano ako kamahal at inalagaan ni Jerome kahit busy kami sa trabaho sa kumpanya dahil itinake-over ni Dad sa amin ni Jerome ang pamamahala sa Candelaria Wine and Liquor Company at sa mga kumpanya na sakop ng Candelliego Group of Companies.
Sa Candelaria Wine and Liquor Company kami nakapokos ni Jerome dahil hindi kami magkakaroon ng problema sa Candelliego Group of Companies (CGC) dahil may mga pinagkatiwalaang taong inatasan si Dadilo at ang lolo ni Jerome para pamahalaan ang mga kumpanya na sakop ng CGC.
"Ang gwapo talaga ng asawa ko. Hindi nakakasawang pagmasdan." nakangiting mahinang sabi ko habang nakaharap kay Jerome na mahimbing pa rin ang tulog at nakaharap sa akin habang ang isang kamay niya ay nakayakap sa akin.
Napabangon ako bigla at napatakip sa bibig ko na parang may lalabas sa bibig ko dahil parang hinagalukay ang tiyan ko. Mabilis akong pumunta sa bathroom at napasalampak sa sahig na itinapat ang mukha ko sa toilet bowl bago inilabas ang lahat ng kinain ko kagabi.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko iyong pinansin dahil patuloy pa rin ako sa pagduwal kahit walang lumabas sa bibig ko kundi tubig lang. Naramdaman kong hinawi niya ang buhok kong humaharang sa mukha ko at hinawakan iyon gamit ang isang kamay niya habang ang isa pa ay marahang humahaplos sa likod habang patuloy ako sa pagduwal na halos maluha na ako dahil hindi pa rin humuhupa.
"There you go, just let it all out, I'm here for you, Hon." Jerome said as I finally stopped. Umupo ako sa sahig at sumandal sa pader.
Nagpaalam si Jerome na may kukunin saglit at pagbalik niya ay may dala na siyang bimpo na siya mismo ang nagpunas ng basang mukha ko dahil sa pawis at inabutan niya ako ng isang basong tubig na agad kong ininom.
Pagkatapos ay naghilamos ako ng mukha at mag-toothbrush ay nakaramdam ako ng hilo na halos matumba na ako, buti na lang ay nasalo ako ni Jerome bago pa ako bumagsak sa sahig.
"H-Hon, nahihilo ako." sabi ko habang kasandal ang ulo ko sa dibdib niya.
"It's going to be okay, Hon, just rest." sabi ni Jerome nang ayusin niya ako sa pagbuhat at ibinalik sa kama.
*****
"HUWAG ka na kayang pumasok sa trabaho ngayon, Hon." nag-aalalang sabi ng asawa ko pagkapasok ko sa kotse at ikinabit ang seatbelt ko.
"Hindi, papasok ako, Hon" matigas kong tanggi sa kanya.
"But you looked unwell.”
"Okay lang ako. Inaantok lang." Napasinghap ako nang ilagay niya ang palad sa noo ko.
"Wala ka namang lagnat pero bakit ka nagsusuka kanina?" wika niya na ikinangiti ko bago kinuha ang kamay niyang nakalapat sa noo ko.
Wala talaga siyang balak na papasukin ako sa trabaho kaso mapilit ako dahil hindi naman masama ang pakiramdam ko at isa pa, marami akong trabaho na kailangang tapusin ngayong araw.
"Kaya nga, wala akong lagnat. Siguro may nakain lang akong ayaw ng tiyan ko kaya nagsuka ako kanina."
"Magpacheck ka kaya, Hon." suhestiyon niya na ikinasimangot ko.
"Ano ka ba, Hon? Ayos nga lang ako. Mawawala rin ito pagdating natin sa kumpanya." sabi ko na ikinabuntong-hininga niya saka walang nagawa kundi ang buhayin na lang ang kotse.
*****
"ANAK, dapat hindi ka na pumasok. Namumutla ka, oh. Halatang masama ang pakiramdam mo." nag-aalalang sabi ni Mom habang marahang hinahaplos ang pisngi ko at magkatabi kaming nakaupo sa mini living room nitong opisina namin ni Jerome na dating opisina nila ni Dad dito sa kumpanya.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...