CHAPTER 21: Sana Ako Na Lang
HAZELYN'S P.O.V
WEEKS LATER...
NAPAHAWAK ako sa sentido ko at hinilot iyon. Ang sakit ng ulo ko. Ni-rereview ko kasi ang mga gamit na gagamitin at magiging ayos na gagawin ng event organizer na kinuha ko para sa Grand Ball na gaganapin na this Sunday. Gusto ko maging perfect ang lahat dahil ayokong mapahiya kay Tito Benjamin at mga official ng University kapag may pumalpak sa Grand Ball, hindi lamang ako ang malalagot kundi ang buong Supreme Student Council na nag-isip ng lahat kaya kailangan pulido ang lahat.
Napaangat ako ng tingin sa pinto ng SSC office kung nasaan ako ng marinig ko ang pagbukas niyon at doon ko nakita ang pagpasok ni Jerome. Muli kong ibinalik ang atensyon ko ginagawa ko.
"Hindi ka pa ba kakain? Makakasakit ka n'yan," sabi ni Jerome nang makalapit siya sa lamesa ko na ikinaiwas ko ng tingin sa kanya dahil baka makita niya ang pulang-pula kong mga pisngi dahil sa kilig. Tignan mo 'tong isang ito. Masyadong pa-fall. May concern sa health ko.
"Pansin ko lang, ha. Bakit umiiwas ka ba sa akin, Hazelyn? Hindi mo na ako pinansin simula nang birthday ni Kath." sabi ni Jerome na ikinatahimik ko.
Ilang linggo ko nang iniwasan si Jerome simula ng malaman ko na si Kath ang mahal niya at nabalitaam mula sa mga estudyante na matagal na palang hiwalay sina Jerome at Tiffany. Para na rin magkaroon ng kapayapaan itong puso ko na siya pa rin ang tinitibok.
Sa ilang linggong pag-iwas ko sa kanya, I tried my best na ibaling sa iba, sa ibang lalaki, ang atensyon ko pero siya pa rin, siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Mas lalo akong napapamahal sa kanya tuwing nag-aasaran pa kami na mas lumala ngayon dahil umaabot ang asaran o usapan namin sa 's*x'. Kahit napipikon na ako, mas gusto kong sinasabayan ang pag-aasar niya. Ang lakas pa naman mang-asar ng lalaking ito.
"Mamaya na ako kakain," sabi ko at hindi sinagot ang tanong niya.
"Ikaw bahala," sabi niya at lumabas ulit.
Tignan mo 'yong lalaking iyon, lumabas ulit at iniwan ako mag-isa. Ano 'yon nagtanong lang? Hays, bahala nga siya sa buhay niya.
Wala si Kath, busy siya tuwing breaktime this past few weeks dahil sa inaasikaso nila ni PJ ang mga kulang sa kasal na gaganapin next month.
I'm happy for them, to my best friends. Alam kong hindi pababayaan ni PJ si Kath o gumawa ng bagay na ikasisira ng relasyon nila. I have known PJ for years, ibang klase siya magmahal at magpahalaga ng relasyon. Saksi ako kung gaano niya pinahalagahan ang unang relasyon niya noon at kung gaano niya minahal ang unang babaeng inibig niya pero sinira ng babae ang magandang relasyon nila. That was the cause para paglaruan ni PJ ang nararamdaman ng mga babaeng nakakarelasyon niya until he met Kath. Tumino si PJ simula nang minahal niya si Kath at napatunayan ko kung gaano kamahal ni PJ si Kath nang mag-propose siya dito.
After a minute or two, bumalik ulit si Jerome dito sa office na may dalang paper bag at lumapit siya sa akin. Nilapag niya ang paper bag sa table ko.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Paper bag," nakangising pilosopo niyang sabi na ikinatingin ko ng masama sa kanya.
T*ng*na! Namimilosopo ang bwisit.
"Huwag ka ngang pilosopo. Tinatanong ka ng maayos kaya sumagot ka rin ng maayos. Tss," seryosong sabi ko.
"Biro lang, ito naman. Masyado mo namang sineryoso." sabi niya na ikinatitig ko lamg sa lalaki "Ahm, kinuha kita ng pagkain sa cafeteria. Mukhang wala kang balak kumain, eh," dagdag niya na ikinatango ko bago niligpit ang mga papel at gamit na nakakalat sa lamesa ko bago inilabas ni Jerome ang mga pagkain na dala niya.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...