Chapter 9: Babala

304 121 0
                                    

CHAPTER 9: Babala

SUNDAY...

Pagkarating namin nila Mom at Dad sa hotel na paggaganapan ng Anniversary Party ng kumpanya nila Clarence ay bumungad na sa amin abg magandang flower arrangement sa bungad palang ng entrance ng hotel.

Kumapit ako sa braso ni Dad at ganoon din si Mom sa kabilang braso ni Dad. Pumasok kami sa loob ng hotel at sinalubong kami ng isang hotel staff.

"Good evening po, Ma'am and Sir. This way po," sabi ng hotel staff na sumalubong sa amin at nang maipakita ni Dad ang invitation. Iginaya kami papunta sa event hall na paggaganapan ng occasion.

Pagpasok namin sa Event Hall ay sumalubong sa aamin ang magandang ayos ng mga decoration para sa event na ito. Gold ang theme ng event para sa 50th anniversary ng kumpanya nila Clarence na tinatawag na Golden Anniversary.

Agad kaming nilapitan nila Tita Sienna at Tito Clark, kasama ang susunod na mamahala ng kumpanya nila na si Clarence.

"Thank you for coming, Amigo," nakangiting sabi ni Tito Clark at nagkamayan sila ni Dad. Humiwalay ako sa pagkakahawak sa braso ni Dad para lapitan sila at bumeso.

"You're so beautiful tonight, Hazel. Oh! Not only tonight because you're always beautiful and stunning." nakangiting papuri ni Tita Sienna na ikinangiti ko.

"You too, Tita. You're still beautiful as always." nakangiting sabi ko na ikinatawa niya ng mahina. "Puntahan ko lang po si Clarence, Tita." paalam ko kay Tita Sienna na tumango lang bago nakipagkwentuhan kay Mom.

Lumapit ako kay Clarence para bumeso pero yakap ang binigay niya sa akin.

"You're so beautiful to your evening dress, Hazel," nakangiting sabi niya pagkahiwalay namin sa yakap at nang tignan niya ako mula ulo hanggang paa na ikinangiti ko.

I'm wearing a Long Sleeveless Blue Glitter Dress na hanggang talampakan ko ang haba. Ayaw akong pagsuotin ni Dad ng dress na above the knee ang haba dahil baka daw makitaan ako. HAHA! Ganoon siya kaprotective sa unica hija niya.

"Salamat." nakangiting sabi ko at napatigil ako ng para bang may naramdaman akong maliit na metal na tumama sa likod ko. "Sh*t!" singhal ko ng maramdaman ko ang pagkirot niyon at napahawak ako sa braso ni Clarence ng maramdaman ko ang panghihina ang mga tuhod ko.

"Hazel, are you okay?" tanong ni Clarence sa akin pero hindi ako makasagot dahil nagdidilim na ang paningin ko sa sakit na nararamdaman ko. Napapikit ako ng hindi ko mapigilang indahin ang sakit sa likod ko.

Tuluyan na akong natumba pero may mga brasong sumalo sa akin bago pa ako sumalampak sa sahig.

"Hazel!" narinig kong sabay na sigaw nila Mom at Dad bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.

*****

THIRD PERSON'S P.O.V.

Nanunubig ang mga matang hinalikan ng ina ni Hazel na si Chrizel Candelaria ang kamay ng anak habang payapa itong nagpapahinga sa hospital bed kung saan ito nakahiga ngayon.

Hanggang ngayon na nakikita ni Chrizel na maayos na ang kondisyon ng anak ay hindi pa rin humuhupa ang takot na nararamdaman niya sa puso niya simula nang makita niya kanina ang biglaang pagbagsak ng anak niyang si Hazel habang duguan ang likod nito. Buti na lang ay mabilis na nakalapit at naagapan ng asawa niyang si Laurence ang pagbagsak ng anak nila sa sahig dahil kung hindi ay baka nabagok ang ulo ni Hazel.

"Mi, tama na. Ligtas na sa kapahamakan ang anak natin." pag-aalo ng asawa ni Chrizel na si Laurence sa kanya.

"Natatakot pa rin ako, Di. Natatakot ako na baka sa susunod na mapahamak siya ay tuluyan na siyang kunin sa atin. Natatakot ako na mawala sa akin ang nag-iisang anak natin." tuluyang napaiyak na sabi ni Chrizel habang nakatingin sa maamong mukha ng nag-iisang anak na si Hazel na mahimbing pa rin ang pagkakatulog.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon