CHAPTER 27: Ang Nakasaad sa Testamento
KINAGABIHAN...
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Kath na ikinapagtaka ko. Mag-aalas-syete na ng gabi pero nakuha nitong pumunta dito. Nasaan ang asawa nito?
"Hazel?" tawag ni Kath pagkasarado niya ng pinto at lumapit sa akin. Umupo siya sa kama ko paharap sa akin.
"Yes? At bakit ka nandito? Gabi na, ah."
"Well, hindi ko alam sa asawa ko pero sabi niya dito raw kami makikikain ng dinner at okay lang iyon sa parents mo." sabi ni Kath na ikinataas ng kilay ko.
"Grabe! Iyang asawa mo, ha. Namumulubi na ba siya at dito kayo makikikain? Langya! Anong tingin niya dito sa mansion, foundation? Feeding program, para makikain siya?" inis na sabi ko na ikinatawa ni Kath na mukhang hindi na-offend sa sinabi ki sa asawa niya at alam niyang nagbibiro ako.
"So...care to tell what's the problem?" napaseryosong tanong ni Kath na ikinaseryoso ko rin.
"Alam mo na naman kung ano, eh. Kalat na sa mga social media."
"Still I want to hear it from you." sabi niya na ikinabuntong-hininga ko.
"Well...my first problem is Jerome, because of what happened and I still can't remember it... Second, uuwi raw ang parent ni Jerome and that's a big problem because I know na ipipilit ni Mamila ang gusto niyang pakasalan ako ni Jerome because of what happened. And lastly, hindi ko alam kung paano haharap sa media para masolusyunan ang kumalat na naked picture namin ni Jerome.." namomoblemang sabi ko at napatingin sa iPod na hawak ko kung saan makikita ang sari-saring komento ng mga tao sa lumabas na litrato namin ni Jerome sa balita kaninang umaga
"Stop reading that, Hazel. Hindi nakakabuti sa'yo. And about that naked picture! Nasa modern generation na tayo and I'm sure maayos na agad iyon ng manager me...and the media will love it kapag nakakuha ng interview sa'yo." sabi niya sabay agaw sa akin ng iPod na muling ikinabuntong-hininga ko.
"Right."
"And also...about Jerome. 'Yan ang ipinunta ko dito," sabi ni Kath. Napakunot ang noo ako.
"What about him?" takang tanong ko.
"Kahit na hindi ko pinapansin. I know, you know that Jerome loves me," sabi ni Kath na ikinatahimik ko. "Sinabi sa akin iyon ni Jerome noong araw ng kasal ko," sabi niya ng mapansing hindi ako sumagot.
Great! Maybe he wanted to stop that wed--
"I know what you're thinking. Pero hindi 'yon ang dahilan. Gusto lang niyang sabihin sa akin dahil hindi na raw niyang gustong itago 'yon. Pero, Hazel, I'm not here to discuss his love for me. Ang gusto kung pag-usapan ay ang sinabi mong pag-uusap ninyo bukas---" hindi ko na pinatapos si Kath dahil sumabat na ako.
"Kath, alam ko na concern ka lang sa'min. I hate to say this but it's really none of your business," seryosong sabi ko na ikinalunok ko nang makita ko ang sakit sa mata ni Kath.
"I know that, Hazel. Alam kong nakikialam ako pero gusto ko lang kayong tulungan and I have a suggestion."
"I'm sorry, Kath. Hindi ko naman sinasadya na saktan ka. Actually I'm more angry at myself." Nakakaunawang tumango si Kath at ngumiti.
"Hazel. I know you love Jerome," biglang sabi ni Kath na ikinanlaki ng mga mata ko at napaahon sa pagkakasandal sa headboard ng kama ko
WHAT?! How? Obvious ba masyado?
"Kath..." nababahalang sambit ko sa pangalan niya na ikinangiti niya.
"Hindi ko naman sasabihin sa kaniya, eh. Of course not... anyway... I think dapat pumayag ka kapag pumayag siya sa pagpapakasal sa inyo ng Mamila mo." nakangiting sabi ni Kath.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
Любовные романыHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...