CHAPTER 52: Miserable
(Still Jerome's P.O.V.)
WEEKS LATER...
"HINDI mo ba siya lalapitin para makausap?" sabi ng tinig na hindi ko na nakuha pang lingonin dahil kilala ko na kung sino.
"Wala akong balak kausapin ang babaeng wala sa tamang pag-iisip. Para saan pa?" walang emosyong sabi ko habang nakatingin sa isang babaeng nakaupo sa isang bench habang may hawak na manika.
Halatang wala sa tamang pag-iisip ang babae dahil kinakausap nito ang babaeng manika na parang sanggol at magulo ang buhok ng babae. May pagkakataon pa ngang tumatawa ito mag-isa, tapos iiyak at bigla na lang sisigaw.
"So, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Kath habang nakatayo kami sa ilalim ng puno na malayo sa babaeng tinitignan namin.
"Para makita kung gaano siya kamiserable matapos niyang gawin iyon kay Hazelyn." seryosong sagot ko sa tanong ni Kath.
"Huh! Tuluyan na siyang nabaliw at sinong mag-aakala na dito rin ang bagsak niya...sa mental hospital." sabi ni Kath na bakas sa tono ng boses niya ang pagkamaratay nito habang nakatingin kay Tiffany na hinihele ang manikang babae.
Pumunta ako rito sa mental institution kung saan dinala ng mga pulis si Tiffany dahil tuluyan na itong nabaliw matapos ikulong ng isang linggo sa presinto. Malaki na ang tiyan nito na nasa limang buwan na at ang sabi ng pulis ay kukunin ng DSWD ang bata pagkapanganak ni Tiffany para dalhin sa bahay-ampunan.
And the reason why I am here is, hindi dahil may concern ako kay Tiffany kundi gaya ng sinagot ko kay Kath. I want to see Tiffany in a miserable stage at sapat na iyon sa akin para pagbayaran niya ang ginawa niya kay Hazelyn.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Kath nang tumalikod ako at naglakad palayo kaya napatigil ako sa paglalakad para sagutin ang tanong ni Kath pero hindi na ako nag-abala pang lumingon sa kanya.
"Uuwi na, malamang. Alangan namang dito ako tumira. Tss, hindi ako bagay dito dahil hindi ako katulad ng babaeng iyon na isang baliw." sabi ko bago muling nagsimulang maglakad. "Sumabay ka na sa akin dahil alam kong tumakas ka sa asawa mo." medyo may kalakasang sabi ko.
"Oo, hintayin mo ako."
"Tss, bagal." mahinang sabi ko nang makasabay na sa paglalakad ko si Kath. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"
"Kagaya mo, gusto kong makitang miserable ang babaeng baliw na iyon sa lugar kung saan siya nararapat." sabi ni Kath na ikinatango ko bago kami naglakad paalis ng lugar na iyon.
*****
NANDITO ako ngayon sa mansyon para magpalit nang damit at didiretso na sana ako palabas ng mansyon dahil may pupuntahan ako nang may humawak sa damit ko.
"Tito Je, I want to see Tita Hazel," nakangusong sabi ng pamangkin kong si Alexander, anak ni Kuya Raven at Ate Sam. Umupo ako para makapantay kami.
"But, Xander, hindi pa nagigising si Tita Hazelyn mo," sabi ko bago muling binalikan ang milagrong naganap sa operating room ng araw na iyon
*****
WEEKS AGO...
"HAZELYN, huwag mo akong iwan dahil mahal na mahal kita." kusang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon habang umiiyak na nakayakap sa kanya.
Mahal kita, Hazelyn. Please, huwag mo akong iwan.
"Doc! Nagka-heartbeat po uli ang pasyente!" sigaw ng nurse na ikinatingin ko sa monitor at nagkaroon nga ng heartbeat.
"Mr. Calliego lumabas po muna kayo," sabi ng doctor at pinipilit akong palabasin pero nanlalaban ako.
"No, hindi ako lalabas, gusto kong makita kung paano siya lumalaban," seryosong sabi ko. Wala silang nagawa kundi ang pabayaan ako at inasikaso na nila si Hazelyn.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomantiekHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...