Chapter 34: Special

184 14 1
                                    

CHAPTER 34: Special

"HUWAG ka lang niyang sasaktan dahil ako ang makakalaban niya." seryosong sabi ni Harrison na ikinangiti ko. "Kapag alam mong hindi kana naa-appreciate, lumayo ka na. Kapag hindi ka na mahal, umalis ka na. Kapag ramdam mong hindi ka na belong, umiwas ka na. Be strong enough to face the reality na hindi lahat ng gusto mo, gugustuhin ka. In short, Life is too short to spend time with the wrong people. Never beg someone to be with you. Never beg for attention, commitment, affection, time and effort. Never beg someone to come back or stay. If someone doesn't willingly give you these things with their arms wide open they aren't worth it. No one, under any circumstances is ever worth begging for." dagdag ni Harrison na bakas ang tono sa pananalita niya at kahit alam kong hindi ako nakatingin sa kanya ay matalim ang mata niyang nakatingin kay Jerome.

"I know. Don't worry, ako mismo ang lalayo ng kusa sa kanya kapag naramdaman kong wala ng pag-asa at sobra na akong nasasaktan sa piling niya."

"Anyway, bakit hindi ikaw ang naging representative ng university? Paniguradong panalo na tayo kung ikaw ang nasa field at hindi iyang fiance mo." mapang-uyam na sabi ni Harrison nang lumihis ng direksyon ang pinakawalang palaso ni Jerome pero siya pa rin ang nanatiling nangunguna sa scoreboard.

"Magaling siya. Hindi siya mararating o makakapunta sa final tournament na ito kung hindi siya magaling. Trust me, mananalo siya. Ako ang nagturo sa kanya ng Archery. Hindi mo ba napapansin na simula nang magsimula ang laban ay hindi siya tumitingin sa scoreboard. Naririnig niyang sinasabi ng announcer ang score pero ni-kahit sulyap sa scoreboard ay hindi niya ginawa dahil naka-focus siya sa goal niya." nakangiting sabi ko habang nakatingin sa bawat galaw ni Jerome.

"Pansin ko rin na hindi niya tinatapunan ng tingin ang scoreboard." sabi ng Pilipinang asawa ni Harrison na si Fiona.

"Let's see if he still maintains his rank until the game ends." sabi ni Harrison na ikinangisi ko.

Mananalo siya. Naniniwala akong ipapanalo niya ito.

*****

"MAGALING KA. Hindi ko inaasahan na may angking galing ka sa larangan ng Archery. You maintain your rank still in the final round." sabi ni Harrison kay Jerome ng lumapit ito sa amin mayapos ang ranking round at binugyan ng break ang dalawang manlalaro na natira para maglalaban sa gold medal. At habang inaalis ng mga event staff ang ibang target board at dalawa lang ang itinira.

"Siyempre, magaling ang mentor ko." proud na sabi ni Jerome sabay akbay at halik sa akin sa sentido ko.

Mula preliminary hanggang ranking round na-maintain ni Jerome ang pagiging first ranking niya. Consistent ang bawat pagkuha niya ng mataas na puntos kaya walang nakaungas sa kanya na makuha ang ranking niya.

"Pero hindi mananalo at mapaghuhusayan ng isang manlalaro kung hindi siya magkakamali. At okay lang magkamali dahil kasama iyon sa proseso ng pagkapanalo." slang na sabi ni Harrison ng ikinasama ng tingin ko sa kanya.

"Parang gusto mo siyang matalo." matalim ang mga matang sabi ko kay Harrison na mahinang natawa.

"I'm not. Ang pagkapanalo niya ay isang malaking ambag sa university bago kayo grumaduate na ilang buwan na lang." nakangiting sabi ni Harrison.

Ilang saglit lang ay muling nagsalita ang announcer na magsisimula na ang huling round ng kompetisyon. Napaharap ako kay Jerome.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon