Chapter 8: Pag-iwas

339 137 2
                                    

CHAPTER 8: Pag-iwas

DAYS LATER...

"AKALA ko, wala ka ng balak magpractice." sabi ng pamilyar na boses ng lalaki sa likod kaya nawala ang focus ko sa gitang bahagi ng target board kaya lumihis ang pagtira ko sa palaso.

Narinig ko ang pagtawa ng lalaki na nakakainis sa pandinig ko kaya inis akong lumingon sa kanya at tinapunan siya ng masamang tingin. Sa sandaling makita kong papalapit sa akin ang lalaki ay siyang pagwawala ng puso ko at parang bumagal ang takbo ng oras sa paligid at paningin ko habang papalapit siya.

"Kainis! Ngayon na nga lang makakapagpractice, mangbwe-bweset ka pa. Hindi ako makapag-concentrate." inis kong sabi sa lalaki at pabalag na nilapag ang panang hawak ko sa table na nasa gilid.

"Kalma lang. Hindi bagay sa'yo ang nakabusangot ng ganyan, lalo kang pumapanget." nakangising sabi ng lalaki na lalong ikinainis ko.

Imbes na patulan siya sa pag-aasar niya ay kinuha ko ang bag ko na nasa isang tabi at isinukbit iyon sa balikat ko. Walang imik na nilagpasan ko ang lalaki dahil wala akong panahon makipag-asaran sa kanya.

"Hazelyn!" rinig kong pagtawag niya sa akin. Nang maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko at paghawak ng malapad na palad niya sa bisig ko at hiniharap ako sa kanya.

"Bakit ba?" may pagkainis na tanong ko na ikinatitig niya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin pero muli niyang pinaharap sa kanya ang mukha ko at nakita ko ang pagkaseryoso sa mga abo niyang mata.

Ilang araw na simula noong huling pag-uusap namin. Nakikita ko naman ang ilang beses na pag-aattempt niyang kausapin ako at lapitan pero kapag nasa malapit ang mga kaibigan ko, lalong-lalo na si Kath. Napapansin ko ang pag-iwas niya at ang mga tingin niya kay Kath ay kakaiba, parang may something na hindi ko alam kung ano.

"Umiiwas ka ba sa akin?" seryosong sabi niya na ikinalunok ko dahil pakiramdam ko, nilulusaw ng seryosong kulay abo niyang mata ang pagkatao ko.

"H-Huh?" tanging nasabi ko.

"Ano bang problema mo? Bakit mo ako iniiwasan? Kasi napapansin ko, nitong mga nagdaang linggo ay umiiwas ka sa akin. Tuwing nagkakasalubong tayo, lumilihis ka ng daan. Ano bang problema?" seryosong tanong ng lalaki na ikinaiwas ko ng tingin para hindi niya mabasa at makita ang nasa isip ko at ang emosyong bumalatay sa mga mata ko.

Ikaw. Ikaw ang problema ko. Simula ng sumulpot ka bigla sa buhay ko ay hindi na tumigil sa pagwawala ang puso ko kapag nasa malapit ka. Bakit ang bilis kung nahulog sayo? Pero ang masaklap ay noong nahulog ako sa'yo, hindi mo ako sinalo kaya nasaktan ako.

Mga salitang gusto kong sabihin sa kanya pero parang napipi ako o may nakabarang kung ano sa lalamunan ko kaya hindi ko masabi sa kanya ang dahilan kung bakit ko siya iniiwasan.

"A-Anong pinagsasabi mo na umiiwas ako? Busy lang ako kaya akala mo umiiwas ako." pagsisinungaling ko habang hindi nakatingin sa kanya.

Ilang minutong namayani ang katahimikan sa aming dalawa ni Jerome kaya napalingon ako sa kanya at nakita ko sa mga mata niya na hindi siya kumbinsido sa sinabi ko na ikinalunok ko.

"Ganoon ba? Sige, alis na ako." sabi niya at walang nababakasan na kahit anong emosyon sa mukha niya bago tumalikod sa akin at naglakad palayo na ikinabuntong-hininga ko ng makaramdam ako ng pagkakonsensya.

I'm sorry, Jerome. Ayokong malaman mo ang tunay na dahilan kung bakit kita iniiwasan. Ayokong makasira ng relasyon ninyo ni Tiffany kaya hangga't maaari ay iiwas ako.

Muli kong naalala ang mga sinabi ni Kath noong nakaraang buwan at siguro kung hindi niya pinuproblema ang paminsan-minsang pagpaparamdam ng boyfriend na bestfriend ko ay paniguradong pagtatawanan niya ako dahil hindi ko nagawang sanggain ang pagtama ng pana ni Kupido sa akin.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon