Chapter 23: I Love You

248 88 2
                                    

CHAPTER 23: I Love You

DAYS LATER....

NAKANGITING pinagmasdan ko ang aking sarili sa human-sized mirror na nasa harapan ko habang suot ang Fluffy V-Neck Navy Blue Long Prom Dress ko. Itong sout kong evening dress ay gawa ng isang sikat na fashion designer na kinuha ni Mamila. She wants me to be a star of the night. Lalo na nang malaman niyang si Jerome ang partner ko kaya ang suit na susuotin ngayong gabi ay si Mamila ang bumili at katulad ang kulay sa gown ko para parehas daw kaming dalawa.

Nang makita kong okay na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kwato kung nasaan ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang makita kong okay na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kwato kung nasaan ako. Nakakailang baitang palang ako ng hagdan pababa sa ikalawang palapag ng mansion na pagmamay-ari ni Jerome ay nabungadan ko na siyang nakatayo sa huling baitang ng hagdan at nakatalikod habang suot ang tuxedo suit na binili ni Mamila sa kanya na parehas ang kukay sa gown ko. Nakita ko ang mahinang paghampas ng sapatos niya sa marble na sahig at ang pagtingin niya sa relong nakasuot sa kaliwang pulsuhan niya kahit nakatalikod siya.

Sa Secret Paradise sana ako mag-aayos dahil malapit lang iyon sa University at magpapasundo na lang ako sa kanya pero nag-suggest si Jerome na dito na lang sa mansion niya ako mag-ayos at magbihis para deretso na kami sa University pagkatapos kaya pumayag na ako. Sus! Tatanggi pa ba ako kung siya na ang kusang naglalapit sa akin sa kanya.

Napalingon ni Jerome sa direksyon ko marahil sa ingay na nilikha ng high heels ko sa tahimik na mansion niya at nang magtama ang tingin namin ay ngumiti siya kasabay niyon ang nararamdaman kong pagwawala ng puso ko sa loob ng aking dibdib. Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad sa harapan nang makatuntong ako sa huling batang ng hagdan.

"Your dress is nice and you're beyond gorgeous." puri niya na ikinangiti ko.

"I know that, Jerome. You're handsome too." nakangiting sabi ko.

"Let's go." aya niya na ikinatango ko bago kami naglakad palabas ng mansion niya at sumakay sa kotse niya.

*****

PAGKARATING namin ni Jerome sa university ay dumiretso kami sa gymnasium kung saan gaganapin ang ball. Napangiti ako sa ganda ng ayos ng gymnasium na may iilang estudyante na rin ang naririto at puno ng kulay gintong kagamitan at desenyo. Gold is the motif of this ball because today is the gold anniversary of our dearest University.

Napalingon ako kay Jerome ng maramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko. Ngumiti lang siya sa akin na ikinangiti ko rin kahit na parang gustong lumabas ng puso ko sa loob ko. Umiwas na lang ako ng tingin habang sabay kaming naglakad papunta sa designated table para sa aming magkakaibigan at nanatiling nasa bewang ko ang kamay ni Jerome.

"Our President and VP are here." nakangiting sabi ni PJ pagkaupo namin ni Jerome.

"Perfect partner." nakangiting sabi ni Clarence na ikinaikot ng mga mata ko.

"Good evening, Ladies and Gentlemen. Tonight, we are celebrating the golden anniversary of our dearest University. Let's call our Dean and the owner of our university, Mr. Benjamin Alonzo." panimula ng emcee sa programa na ikinapalakpak ng mga kapwa ko estudyante.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon