Chapter 55: Picture

74 0 0
                                    

CHAPTER 55: Picture

JEROME'S P.O.V.

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Hazelyn sa mansion ng parents niya. Naghahanap kami nang mga picture ng mga lugar na pwedeng puntahan ni Hazelyn. Kaming dalawa lang ni Kath ang nandito. Wala si PJ dahil may gagawin pa raw siya.

Bati na kami ni Kath. I want to tell her everything, pero kailangan kay Hazelyn ko muna sabihin before I tell anyone. Kailangan si Hazelyn muna ang makaalam. I hate myself for it kahit anong galit nila Kath o ng kahit sino. Lahat ng galit nila sa akin, hindi matutumbasan niyon ang galit ko sa sarili ko dahil sa nagaws ko kay Hazelyn. I hurt her without even noticing her.

Lumapit ako sa may study table ni Hazelyn at binuksan ang medyo malaking drawer at may nakita akong box. Nilabas ko iyon at binuksan, may nakita akong mga pictures ng mga lugar na sigurado ako ay mga napuntahan na niya dati.

Habang iniisa-isa kong tignan ang mga litrato ay may picture na nalalaglag at may nakasulat sa likod na... Magical.

"Magical? Anong lugar 'yon? Perya? Disneyland?" tanong ni Kath na napatingin sa nahulog na larawan.

Pinulot ko na ang picture at tinignan ang nasa harap niyon. Napakunot ang noo ko kung nang makita kung sino ang dalawang taong nasa larawan.

It's a picture of Hazelyn and Harrison. Nasa likod ni Hazelyn si Harrison na nakayakap sa kaniya mula sa likod at ang background nila ay ang papalubog na araw.

"Ano ang exact na sinabi ni Hazelyn sa'yo kung nasaan siya, Kath?" tanong ko kay Kath habang nakatingin pa rin sa litrato.

"Ang sabi niya, if I'm right...Let's just say na nasa isa akong lugar na may magic. It always makes me feel happy before kapag pumupunta ako dito. Ang malamig na simoy ng hangin, magandang tanawin ng paglubog ng araw and the smell of the salt," sabi ni Kath habang tinitignan ko ang picture na hawak ko na kanina ko pa gusto kong sunugin iyon.

May sunset sa likod nila ibig sabihin ay open area, nililipad ng hangin ang buhok ni Hazelyn. She looks very beautiful in this picture. Young and Beautiful.

Ang sabi ni Kath, malamig na simoy ng hangin, magandang tanawin ng paglubog ng araw and the smell of the salt...so, that means, she's on the beach resort.

"Kath, may alam ka bang beach resorts na palaging pinupuntahan ni Hazelyn or napuntahan niyo na kasama siya?" tanong ko kay Kath.

"Patingin nga ako niyang picture," sabi ni Kath at binigay ko sa kanya agad ang litrato.

"It's familiar. Napuntahan na namin ni Hazel ito, sabi pa nga niya ay she loves that place." sabi ni Kath.

"Alam mo kung saan iyan?"

"Oo."

Wait for me, Hazelyn. I really need to tell you a lot of things. When I find you... I promise you.

*****

HAZELYN'S P.O.V.

Ang ganda talaga dito. Actually, three days na ako dito. I'm happy na hindi ako nag-iisa ngayon dahil kasama ko si Harrison.

"Hazel?"

"Hmmm?"

"If you want. May konting advice lang ako," sabi ni Harrison na ikinatingin ko sa kanya at napangiti habang nagpapahangin kami at nakaupo sa dalampasigan kung saan gumawa siya kanina ng bonfire.

"Ano iyon? About saan?" tanong ko.

"About you and Jerome," sabi ni Harrison na ikinawala ng ngiti ko ng marinig ko ang pangalan ni Jerome kaya napayuko ako dahil nalulungkot ako kapag naririnig ko ang pangalan niya.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon